Kishore Kumar Hits

Carlos De Guia - Daya şarkı sözleri

Sanatçı: Carlos De Guia

albüm: Dagat Luha


Ewan ko
Ba't ako nalilito?
Kani-kanina lang ay ayaw na
Nakita ka lang, biglang nag-iba
Ang nararamdaman
Sa 'yo'y walang laban
Isang tingin lang, talo na
Sa 'yong tukso'y nahulog pa
Hindi ko alam ang sagot
Sa kung pa'no naging ganito
Bawat hakbang palayo
Ikaw pa rin ang tagpo
Ba't ka kasi ganyan?
Ang daya mo naman
Hindi na nga lumalapit
Pilit namang inaakit
Ang puso kong ito
Kulong sa labi mo
Alipin sa nadarama
Hindi alam kung gusto bang lumaya
Lumaya d'yan sa piling mo

Oh, eto na naman
Sinabing iiwasan
Dapat hindi na magiba
Itong pader na ginawa
Ngunit and'yan ka na naman
Bigla mong hahawakan
Bakit ba kahit ano'ng gawin ko
Wala ring magawa 'pag iyong ginusto?
Hindi ko alam ang sagot
Sa kung pa'no naging ganito
Kahit pa 'ko'y tumakbo
Ikaw pa rin ang dulo, hay
Ba't ka kasi ganyan? (Ba't ka kasi ganyan?)
Ang daya mo naman (ang daya mo naman)
Hindi na nga lumalapit
Pilit namang inaakit
Ang puso kong ito (ang puso kong ito)
Kulong sa labi mo (kulong sa labi mo)
Alipin sa nadarama (alipin sa nadarama)
Hindi alam kung gusto ba...
Ba't ka kasi ganyan? (Ba't ka kasi ganyan?)
Ang daya mo naman (ang daya mo naman)
Hindi na nga lumalapit
Pilit namang inaakit
Ang puso kong ito (ang puso kong ito)
Kulong sa labi mo (kulong sa labi mo)
Alipin sa nadarama (alipin sa nadarama)
Hindi alam kung gusto bang lumaya
Lumaya d'yan sa piling mo

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar