Kishore Kumar Hits

MNL48 - Labrador Retriever şarkı sözleri

Sanatçı: MNL48

albüm: River


Baby love, isang puting payong nilalaan
Upuan mo sa darating na tag-araw
Sa tabing dagat, tupis nu'ng dekada 70
Ang napili mo sa taong ito

Nauna pa tayo na magbakasyon
Kaysa kay mama't papa't sa lahat, oh, yeah
'Di man sapat ang oras nu'ng 'sang taon
Pag-ibig (pag-ibig), itutuloy (itutuloy)
Naghihintay na ang araw
Labrador, takbo, sige, takbo sa tabi ng karagatan
Habang tumatalsik ang tubig, anyayahan mo kami
Habulin ka sa buhanginan gaya ng araw na iyon
Walang sandals at nakapaa (nagtatawanan)
Ang ating unang halik, ano, tara na?

Giliw, nag-iisang bote ng tubig
Ating pinagsasalit-salitang inumin
Pusong dalisay ang siyang nagpapatibok
Ng pusong tunay na nagmamahal

At 'pag natapos na nga ang tag-araw
At ang lahat ay lumisan na, oh, yeah
Hangga't 'di mo alam na gusto kita
Sa akin (sa akin), tag-araw (tag-araw)
Ay 'di pa rin magwawakas
Labrador, halina dito sa aking kalinga
Sa aking bisig at kamay ay lubos na yayakapin ka
Alaala ng nakaraan ay bakas ng panghihinayang
Ngayo'y 'di na bibitiw sa 'yo (kasama ka)
Pinakahihintay na halik, tara na

Ang tinatanging pagmamahalan
Mula simula'y kapanapanabik
Noon pa man ay ika'y tagapangalaga
At simula noong bata
Ako'y lumaking kasama ka, kaibigan
Aking kakampi, labrador ko

Labrador, takbo, sige, takbo sa tabi ng karagatan
Habang tumatalsik ang tubig, anyayahan mo kami
Habulin ka sa buhanginan gaya ng araw na iyon
Walang sandals at nakapaa (nagtatawanan)
Ang ating unang halik, ano, tara na?

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar