Mahal pala kita Ngayon ko lamang nadama Kung kailan nawala Saka hinanap ka, aking sinta Ganyan pala ang umiibig Lagi ka nang nasasaisip Lagi kitang naaalala sa bawat saglit Tulak ng bibig, kabig ng dibdib Ito'y kasabihang aking nabatid Kung tuluyan mang ikaw ay mawala Pikit-mata pa rin kita'y hihintayin Sa 'yong pagbabalik Ibibigay ko ang langit Wagas na pagsinta Walang maliw na pag-ibig Ganyan pala ang umiibig Lagi ka nang nasasaisip Lagi kitang naaalala sa bawat saglit Tulak ng bibig, kabig ng dibdib Kabig ng dibdib, tulak ng bibig Tulak ng bibig, kabig ng dibdib Kabig ng dibdib, tulak ng bibig