Kishore Kumar Hits

Nonoy Peña - Pusong Sinungaling şarkı sözleri

Sanatçı: Nonoy Peña

albüm: Pusong Sinungaling


Sa aking pag-iisa laging alaala
Ang mga nakaraan nating dal'wa
Tayo'y may sumpaan habang buhay magsasama
Bakit ika'y umibig sa iba
Ano ang nagawang kasalanan sa iyo
Bakit sa'kin ikaw ay lumayo
At ang akala ko na ako rin ay mahal mo
Ngunit sinaktan mo lang ang damdamin ko
'Di ba't sabi mo'y ako lang ang mamahalin
Magpahanggang wakas mo akong iibigin
Ngunit bakit ngayo'y iba
Na ang umaangkin
Sa puso mong sinungaling
Limutin man kita ay 'di ko magagawa
Sapagkat mahal na mahal pa rin kita
Ngunit kung ito'y sadyang kaloob ng tadhana
Matututunan ko rin na limutin ka
'Di ba't sabi mo'y ako lang ang mamahalin
Magpahanggang wakas mo akong iibigin
Ngunit bakit ngayo'y iba
Na ang umaangkin
Sa puso mong sinungaling
Inaasam pa rin ang iyong paglalambing
Kahit may iba kang kapiling
Dalangin ko pa rin
Na ikaw ay magbalik sa'kin
Kahit ang puso mo'y sinungaling
Woooh
'Di ba't sabi mo'y ako lang ang mamahalin
Magpahanggang wakas mo akong iibigin
Ngunit bakit ngayo'y iba
Na ang umaangkin
Sa puso mo
'Di ba't sabi mo'y ako lang ang mamahalin
Magpahanggang wakas mo akong iibigin
Ngunit bakit ngayo'y iba
Na ang umaangkin
Sa puso mong singungaling

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar