Kishore Kumar Hits

Jeremy G - Hanggang Sa Muli şarkı sözleri

Sanatçı: Jeremy G

albüm: How to Move on in 30 Days (Original Soundtrack)


Mahirap sa umpisa
Kumakapa sa dilim
Parang ayaw nang bumangon
Kung 'di naman ikaw ang kapiling
Ayaw imulat ang mata
Pero kailangan
Titiising maging tanga
Kaso dapat na kitang bitawan
Salamat sa lahat, sa ngiti, sa iyak
Pero, heto na, heto na ang huli
Salamat sa lahat, sa pagpaparamdam na ako'y sapat
Pero, heto na, heto na ang huli
Salamat, hanggang, hanggang sa muli, hmm
Hanggang sa muli

Mahirap muli ang mag-isa
Pero mainam nang tanggapin
Na ikaw ay mayro'n nang iba
Oh, kay bilis ng ihip ng hangin
Ngayon, napagtanto ko na
'Di mo 'ko kailangan
Lalakasan ang tiwala sa sarili
Na ito'y malalampasan
Salamat sa lahat, sa ngiti, sa iyak
Pero heto na, heto na ang huli
Salamat sa lahat, sa pagpaparamdam na ako'y sapat
Pero heto na, heto na ang huli
Salamat, hanggang, hanggang sa muli, hmm
Hanggang sa muli, hmm
Hahakbang na papalayo
Sa dating tahanan
Ako na ngayon ay liliko
At haharapin ang katotohanang
Tayo'y malaya na sa isa't isa
Oo, heto na, heto na ang huli
Maninibago man, alam kong mayro'n akong natutunan
Ibabaon ko lahat ng sandali
Kaya naman salamat sa lahat
Huli ko nang salamat, paalam
Hanggang sa muli

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar