Hmmm... Bughaw na kulay ng langit Malawak na puting mga ulap Minsan mabigat, minsan magaan May kwentong nais ipahayag Bagyong pinagmasdan 'Pag 'di na kaya ang bigat Bigla na lang uulan Papatak sa'yong mukha Para bang umiiyak May lungkot na nais na mailabas Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan May liwanag at dilim, maraming katanungan Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan Kahit na may kadiliman, titila rin ang ulan At sa'yong pagtingala, Mapupuno ka ng galak Hmm hmm hmm hmmmm Sa pagliwanag ng langit Magpapakita ang araw Sasabay ang mga ibon Iihip ang hangin Ng mga awiting magbibigay ng pag-asa Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan May liwanag at dilim, maraming katanungan Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan Kahit na may kadiliman, titila rin ang ulan Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan May liwanag at dilim, maraming katanungan Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan Kahit na may kadiliman, 'Wag mong kalilimutan Na manalig sa Kanya Liliwanag ang 'yong langit Liliwanag ang iyong buhay