Kishore Kumar Hits

Himig Heswita - Awit Ng Paghahangad şarkı sözleri

Sanatçı: Himig Heswita

albüm: Your Dwelling Place (Songs for Healing)


O, Diyos, Ikaw ang laging hanap.
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga.
Kita'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang Makita ko ang 'Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay.
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.
Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay,
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak,
Umaawit akong buong galak.
Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo.
Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari, ang Diyos,
Siyang dahilan. Ang sa iyo ay nangako,
Galak yaong makakamtan.
Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay,
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak,
Umaawit akong buong galak
Umaawit, umaawit, umaawit akong
Buong galak.

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar