Kay lamig na ng gabi sa ilang Habang ang bituin ay nag-aabang Giliw ko sa 'king sinapupunan Kay lapit Mo nang isilang Aming pakikipagsapalaran Upang makahanap ng tahanan Abot-abot ang kaba sa dibdib Kay lapit Mo sa panganib Oh, giliw kong Anak Tupad na pangarap ko Pagsilay Mo sa ating mundo Maging tahanan ng mahirap At puso Mo'y tanggulan ng aba Sa kapaguran ng 'Yong amain Ang disyertong pilit niyang bagtasin Animo'y walang patid ang lawak Buhay nati'y kanyang hawak (buhay nati'y kanyang hawak) Oh, giliw kong Anak Tupad na pangarap ko Pagsilay Mo sa ating mundo Maging tahanan ng mahirap At puso Mo'y tanggulan ng aba Liwanag ng unang pasko Hesus, bituin ng mundo Oh, giliw kong Anak Tupad na pangarap ko Pagsilay Mo sa ating mundo Maging tahanan ng mahirap At puso Mo'y tanggulan ng aba Kay lamig na ng gabi sa ilang Habang ang bituin ay nag-aabang Giliw ko sa 'king sinapupunan Kaunting tiis na lang Tahanan nati'y daratnan