Puso ko'y binihag mo Sa tamis ng pagsuyo Tanggapin yaring alay Ako'y iyo habang buhay Aanhin pa ang kayamanan Luho't karangalan Kung ika'y mapa sakin Lahat na nga ay kakamtin Sa'yo lamang ang puso ko Sa'yo lamang ang buhay ko Kalinisan, pagdaralita Pagtalima aking sumpa Ika'y hanap sa twina Nitong pusong ikaw lamang ang saya Sa ganda ng umaga Nangungulila sa'yo sinta Ikaw ang aking tanging yaman Na 'di lubusang masumpungan Ang nilikha mong kariktan Sulyap ng 'yong kagandahan Ika'y pagmamasdan sa dakong banal Nang makita ko ang 'yong pagkarangal Dadalangin akong nakataas aking kamay Nagagalak, na aawit ng papuring iaalay Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay Pagka't ang tulong mo sa twina'y taglay Sa lilim ng iyong mga pakpak Umaawit, umaawit Umaawit akong buong galak Ikaw lamang ang pangakong mahalin Sa sumpang sa iyo, magpakailanpaman Yakapin mong bawat sandali Ang buhay kong sumpa, sa'yo lamang alay At mapapawi ang takot sa kin Pagka't taglay lakas mong angkin Ikaw ang siyang pag-ibig ko Asahan mo ang katapatan ko Kahit ang puso ko'y nalulumbay Mananatiling ikaw pa rin Ikaw lamang ang pangakong mahalin Sa sumpang sa iyo, magpakailanpaman Yakapin mong bawat sandali Ang buhay kong sumpa, sa'yo lamang alay At mapapawi ang takot sa kin Pangakong walang hanggan At mapapawi, ang takot sa kin Pagka't taglay lakas mong angkin Sa'yo lamang ang puso ko Sa'yo lamang ang buhay ko Kalinisan, pagdaralita Pagtalima, aking sumpa