Sadyang kay buti ng ating Panginoo Magtatapat sa habang panahon Maging sa kabila ng ating pagkukulang Biyaya Niya'y patuloy na laan Katulad ng pagsinag ng gintong araw Patuloy Siyang nagbibigay tanglaw Kaya't sa puso ko't damdamin Katapatan Niya'y aking pupurihin Dakila Ka, O Diyos Tapat Ka ngang tunay Magmula pa sa ugat ng aming lahi Mundo'y magunaw man Maaasahan Kang lagi Maging hanggang wakas nitong buhay Kaya, O Diyos kita'y laging pupurihin Sa buong mundo'y aking aawitin Dakila ang Iyong katapatan Pag-ibig Mo'y walang hanggan Dakila Ka, O Diyos sa habang panahon Katapatan Mo'y matibay na sandigan Sa bawat pighati tagumpay man ay naroon Daluyan ng pag-asa kung kailanga'y hinahon Pag-ibig Mo'y alay sa 'kin noon hanggang ngayon Dakila Ka, O Diyos