Pagsikat ng araw, pagmamahal Mo'y dama
Sa ilalim ng init ng Iyong mga kamay
Anumang pagsubok o hamon ng mundo
Hinding-hindi mahihiwalay sa pag-ibig Mo
Kung mahina man minsan
Alam kong Ikaw ang sandigan
Pag-ibig Mo, kalakasan ko
Hindi nagbabago
Oh, Diyos, pag-ibig Mo ang kailangan ko
Sa biyaya Mo, ako'y nabago
Higit sa kailangan ko
Panginoon, kay buti Mo
♪
Paglipas ng araw, liwanag Mo'y tanglaw
Sa bawat kilos mo, ako ang nasa isipan
Kung mahina man minsan
Alam kong Ikaw ang sandigan
Pag-ibig Mo, kalakasan ko
Hindi nagbabago
Oh, Diyos, pag-ibig Mo ang kailangan ko
Sa biyaya Mo, ako'y nabago
Higit sa kailangan ko
Panginoon, kay buti Mo
Sa pagdating ng umaga
Pag-ibig Mo ang nakikita
Kay ganda, kay ganda
Sa bawat araw, may pag-asa
Sa'Yong gawa ay umaasa
Kay ganda
Pag-ibig Mo (pag-ibig Mo)
Pag-ibig Mo (hinding-hindi nagbabago)
Pag-ibig Mo (wagas ito at magpakailanman)
Pag-ibig Mo (ooh)
Sa pagdating ng umaga
Pag-ibig Mo ang nakikita
Kay ganda, kay ganda
Sa bawat araw, may pag-asa
Sa'Yong gawa ay umaasa
Kay ganda
Pag-ibig Mo, kalakasan ko
Hindi nagbabago
Oh, Diyos, pag-ibig Mo ang kailangan ko
Sa biyaya Mo, ako'y nabago
Higit sa kailangan ko
Panginoon, kay buti Mo (pag-ibig Mo)
Pag-ibig Mo, kalakasan ko
Hindi nagbabago
Oh, Diyos, pag-ibig Mo ang kailangan ko
Sa biyaya Mo, ako'y nabago
Higit sa kailangan ko
Panginoon, kay buti Mo
Поcмотреть все песни артиста