Kishore Kumar Hits

Bubbles Bandojo rc - Sugatan - Filipino Translation Of La Herida şarkı sözleri

Sanatçı: Bubbles Bandojo rc

albüm: Sugatan - Filipino Translation Of La Herida


Baguhin Mo ang sugatan kong katawan
At hilumin nang Kita'y matagpuan
Puso ma'y mapagod magmahal
At mahapo man sa mahirap na daan
Madapa man sa ating nilalakaran
At mabigo man sa mga inaasam
Alalahaning may Amang nagmamahal
Siya'y kasagutan sa lahat ng agam-agam
Atas Niya sati'y magpahayag
Nang pag-ibig Niya'y mayakap ang tanan
Baguhin Mo ang sugatan kong katawan
At hilumin nang Kita'y matagpuan
Diwa man namin ay namimitig
Sa tuksong walang hanggang katunggali
Masaktan man kaming muli't muli
At pait siyang pumalit sa'ming ngiti
Sasabay pa rin kami sa iyong kumpas
At maglilingkod pa rin nang may galak
Hahamakin ang maging ano pa man
Nang mapag-isa ang siyang watak-watak
Baguhin Mo ang sugatan kong katawan
At hilumin nang Kita'y matagpuan
Manghina man ang aming kalooban
Walang titinag basta't ika'y nariyan
Unos man ang hamak ng kasalukuyan
Pag-ibig Mo'y pag-asa sa kinabukasan
Sugatan man, kami ay tatalima
Tatawirin kahit anong hadlang
Loob Mo'y siyang aming ipamamalas
Nang baguhin mo maging ang aming bayan
Baguhin Mo ang sugatan kong katawan
At hilumin nang Kita'y matagpuan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar