Hesus, liwanag Ka ng buhay ko Tanglaw sa dilim ng magdamag Saang sulok man tingnan sa kalawakan Kumukutitap ang pagmamahal Hesus, Ikaw ang araw ko at buwan Gabi at araw, minamahal Kung dumidilim at bagyo'y dumaraan Hinahanap Kita't tinatawagan O Hesus, Ikaw ang aking lakas Buhay ko'y sa 'Yo lamang nagmumula Nasaan Ka man, ako'y paririyan Upang Ika'y pasalamatan O Hesus, ako ay turuan Kung pa'no labanan ang kahinaan Dalangin ko't dasal ay Iyong pagbigyan Manaig sa mundo'y kapayapaan Hesus, patawarin Mo ako Sa mga kasalanan ko Ako'y bigyang puwang upang mabago Ang kaharian Mo'y pangarap ko O Hesus, Ikaw ang aking lakas Buhay ko'y sa 'Yo lamang nagmumula Nasaan Ka man, ako'y paririyan Upang Ika'y pasalamatan O Hesus, ako ay turuan Kung pa'no labanan ang kahinaan Dalangin ko't dasal ay Iyong pagbigyan Manaig sa mundo'y kapayapaan O Hesus, Ikaw ang aking lakas Buhay ko'y sa 'Yo lamang nagmumula Nasaan Ka man, ako'y paririyan Upang Ika'y pasalamatan O Hesus