Kishore Kumar Hits

Joni Villanueva - Kislap Sa Dilim şarkı sözleri

Sanatçı: Joni Villanueva

albüm: Changes


Minsan, ika'y darating
Sa sangangdaang anong dilim
Walang tama, lahat mali
Ang bigat ng kinikimkim
Sa kinagabihan, huwag mangamba
Ngiti ng buwan, siyang kasama
Ang ilaw ng tagumpay
Ika'y sinisilayan
Kislap sa dilim, sumisilay
Sa pangarap mo, siyang gabay
Harapin ang hamon, humakbang at yakapin
Masiglang bukas ay abutin
Tumutugtog ang trumpeta
Sisinag ang ilaw sa umaga
Manalig ka, tumindig ka
Umawit at ipadyak ang paa
Pikit, kaibigan, at pakinggan
Damdamin ng bagong silang
Sigla mo ay paraiso
Dala ay pagbabago
Kislap sa dilim, sumisilay
Sa pangarap mo, siyang gabay
Harapin ang hamon, humakbang at yakapin
Masiglang bukas ay abutin
Sa sandaling ika'y mabigo
Kinakabahan, 'di mapalagay
'Yan ang tanging pagsubok
May Diyos na nagbabantay
Kislap sa dilim, sumisilay
Sa pangarap mo, siyang gabay
Harapin ang hamon, humakbang at yakapin
Masiglang bukas ay abutin
Kislap sa dilim, sumisilay
Sa pangarap mo, siyang gabay (siyang gabay)
Harapin ang hamon, humakbang at yakapin
Masiglang bukas ay abutin
Kislap sa dilim, sumisilay
Sa pangarap mo, siyang gabay (siyang gabay)
Harapin ang hamon, humakbang at yakapin
Masiglang bukas ay abutin
Kislap sa dilim, sumisilay
Sa pangarap mo, siyang gabay
Harapin ang hamon, humakbang at yakapin
Masiglang bukas ay abutin

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar