Sa bawat dahon ng aklat ng buhay Bakas ang luha na tumatangay Inaanod ang pag-asa, unti-unting nawawala Haligi ng munting daigdig ko Minsa'y nanlalamig na rin ang araw Ihip ng hangin ma'y giniginaw Nanlulumo, nalulumbay, hanap ay isang gabay Sa piling Mo'y hindi mabibigo Kahit magunaw man ang daigdig Lisanin man ng init ang mundong manlalamig Kahit na humayo sa daang magkabila'y bangin Ikaw pa rin, Oh Diyos, Ikaw pa rin Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas Kalinga Mo, Oh Diyos, ang siyang magbibigay-lakas Sa anumang panganib, ginintuan ang 'Yong pagliligtas Panatag nga't tiyak, itatawid Mo sa landas ♪ Kung sa tadhana'y 'di nais ang guhit Pawang sagabal ang sinasapit Ikaw ang Siyang tatawagan, saro ko'y aapawan Ng pag-asang kailanma'y dulot Mo Kahit magunaw man ang daigdig Lisanin man ng init ang mundong manlalamig Kahit na humayo sa daang magkabila'y bangin Ikaw pa rin, Oh Diyos, Ikaw pa rin Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas Kalinga Mo, Oh Diyos, ang siyang magbibigay-lakas Sa anumang panganib, ginintuan ang 'Yong pagliligtas Panatag nga't tiyak, itatawid Mo sa landas Itatawid, ililigtas Ihahatid hanggang wakas (hanggang wakas) Kahit magunaw man ang daigdig Lisanin man ng init ang mundong manlalamig Kahit na humayo sa daang magkabila'y bangin Ikaw pa rin, Oh Diyos, Ikaw pa rin (Ikaw pa rin, oh, aking Diyos) Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas Kalinga Mo, Oh Diyos, ang siyang magbibigay-lakas Sa anumang panganib, ginintuan ang 'Yong pagliligtas Panatag nga't tiyak, itatawid Mo sa landas Itatawid Mo sa landas