Lunes ng ala-una Sumikat ang araw sa'yong bintana At nakita ko ang 'yong mata Ngiti na tila galing sa tala Kumikislap tuwing minamasdan At sa natitirang oras, yakapin mo ako sin- -Ta, hawakan mo aking kamay Labanan ang tala ng kapanglawan At sabay nating ibalik Ang nakaraan Upang sa sandaling kayakap ka Limutin muna natin ang mundo na kusang Sumuko sa atin Kung maaari lang Itigil ang kamay ng orasan Sabado ng hapon Mga agos ng luhang dumadaloy sa'yong mukhang Pulang-pula na tila bang Huling-huli na ang la- -Hat, hawakan mo aking kamay Labanan ang tala ng kapanglawan At sabay nating ibalik Ang nakaraan Para sa sandaling kayakap ka Limutin muna natin ang mundo na kusang Sumuko sa atin Kung maaari lang Itigil ang kamay ng orasan Sa mithiing layon ay wakas Kalungkuran mo'y nag-iisa Naririnig mo ba? Ngayong wala ka na? Naririnig mo ba? Ngayong wala ka na? Naririnig mo ba? Ngayong wala ka na? Naririnig mo ba? Ohhhh Ang oras natin sa hilaga ng pag-ibig nating kay-ganda