Pumipitas ng mga talulot sa ilalim ng mga akasya Nalilito sa mga bagay Kung ito ay tama Sa'n ako patungo? Sa bawat agos ay ligaya Bawat oras ay may takot Ngunit tuloy pa rin ang paglakbay Huling pitas ko ng talulot At ako'y napabulong "Saan ako patungo?" Sumasabay, sumasayaw ang puno ng Akasya habang tayo ay nag lalakbay Sa gitna ng mga pilyegong nakakalat sa daanan Sa ilalim ng mga Akasya, tayo nagsimula Sa tuwing kumikislap mga bituin naaalala ko ang 'yong mata Wag ka sanang pumikit sinta, manatili ka lang Magkasabay bawat hakbang 'Di na napapansin ang ikot ng oras Walang humpay ang sandaling ligaya Sumasabay, sumasayaw ang puno ng Akasya habang tayo ay nag lalakbay Sa gitna ng mga pilyegong nakakalat sa daanan Sa ilalim ng mga Akasya, tayo nagsimula Sumasabay, sumasayaw Ang puno ng Akasya habang tayo ay naglalakbay Sa gitna ng mga pilyegong nakakalat sa daanan Sa ilalim ng mga Akasya Tayo nagsimula