Kishore Kumar Hits

Jonah Agas - Kapit Pa Rin şarkı sözleri

Sanatçı: Jonah Agas

albüm: Candlelight


Hi, kumusta na? Sana okay ang inyong kalagayan
Kahit 'di pa matanaw ang dalampasigan
Lalo na at bumabagyo sa karagatan
Hindi ko marinig ang bulong ng langit
Kaya ito na lang ang 'tinatatak sa aking sarili
Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit
Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin

Hay, tinanggihan na ba tayo ng daigdig?
May pag-asa pa ba masuyo ang ating tinatangi?
Makakarating kaya tayo sa may baybayin?
Kalma ka muna, puso; kalma ka muna, utak
Araw-araw, ibabad 'to sa aking kaluluwa
Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit
Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin
Isandal ang likod sa unan kapag kinakailangan
'Wag magpatangay sa mga aninong kumakaway
Makakarating din tayo sa dalampasigan
Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit
Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin
Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit
Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin
Ang dilim ng paligid, tumingala pa rin tayo sa langit
Madaling sabihin, mahirap gawin, pero kapit pa rin

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar