Kishore Kumar Hits

Bayang Barrios - Bathala (feat. Joey Ayala) şarkı sözleri

Sanatçı: Bayang Barrios

albüm: Malaya


Bathala, likha Ninyo ang bawat bagay sa mundo
Lupang kayumanggi't luntiang bukirin
Alat ng dagat at tamis ng hangin
Bathala, ang bawat bagay na nagmula sa Inyong palad
Ay may tungkulin sa mundong kinagisnan
Sa pagtupad nito, ang lahat ay tinitimbang
Ang tao, Inyong hinugis at pinaahon sa lupa
Pinagkalooban ng talino at diwa
Upang mundo'y ipagyaman
Talino, naging ararong nagpaamo sa parang
Naging kumpit na sumagupa sa karagatan
Naging apoy na nagpalayas sa karimlan
Sagana sa kayamanan ang mundong Inyong likha
At may bahagi rito ang bawat nilalang
Kung susuyuin lang mula sa kalikasan
Subalit, buhay dalisay ay 'di sapat sa iilan
Sila'y nasilaw sa kinang ng kasakiman
Ganid na diyos ang sinamba
Pinaghahati-hatian po nila ang lupa
Karagatan at himpapawid, ngayo'y may bakod na
Kapwa tao't hayop ma'y inaagawan ng tahanan
Walang nakaliligtas sa kanilang karahasan
Kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya
Subalit, ang lumilitaw ay isang panggagahasa

Bathala, ako'y hinugis N'yo't pinaahon sa lupa
Ang aking buhay ay dito nagmula
At dito rin inaalay
Bathala, bigyang lakas itong Inyong tanod-lupa
Upang umiral sa mapagsamantala
Panalangin ko'y Inyong dinggin, harinawa
Bathala

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar