Sige, sige, sige Isang araw, ako'y nadalaw sa bahay-tambakan 15 mag-anak ang doo'y nagsiksikan Nagtitiis sa munting barong-barong na sira-sira Habang doon sa isang mansiyon, halos walang nakatira Sa init ng tabla't karton, sila doo'y nakakulong Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato Hindi ko maintindihan, bakit ang tawag sa ganito ay bahay? Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata Ang kanilang kalagayan, ginawan ko ng kanta Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo At ang pinagpala sa mundo, ang diyaryo at ang pulpito Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito ay bahay Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay 'Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mayayamang patay Baka naman, isang araw, kayo doon ay maligaw Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha ay bahay?