Kishore Kumar Hits

Gary Granada - Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman şarkı sözleri

Sanatçı: Gary Granada

albüm: Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman


Sabi nga n'ya, "Sana ang buhay laging tama o mali
At ang katanunga'y simpleng oo o hindi"
Kung gano'n dalangin kong ikaw ay mamalagi
Sa pinakatangi mong pinakamimithi

Ngunit, pa'no kung ang hinahanap mong ligaya
Ay nagkataong nalaman mong naro'n pala
Sa magkabilang mundong magsinghalaga sa 'yo?
Pa'no ba mananatiling totoo?
Ang galak at dalamhati ay paano hahatiin?
At paano ka pipili kung wala kang pipiliin?
Ano ang gagawin ng pusong 'di mapagbigyan?
Ang magkatunggaling pangako at pakiramdam
May isang paruparong paroroo't paririyan
Sa pagitan ng ngayon at kailanman

Pa'no ka magpapasya? Pa'no mo mapagkasya?
Pa'no ba mapag-isa ang isa't isa?
Kung isang araw magtalo ang panata't panaginip
At ang iisa mong puso, minsan ay magdal'wang-isip
Sa kalagitnaan ng pag-asa't pag-asam
Sa dulo't bungad ng pinagtagpo, natagpuan
Ibig kong alamin kung ang pag-ibig, may puwang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Ano ang sukatan? Alin nga ba ang mas mabigat
Sa isang sugatan, ang tunay ba o ang nararapat?
Kung isang araw maghalo ang panata't panaginip
At ang iisa mong puso, minsan ay magdal'wang-isip
Sa kalagitnaan ng pag-asa't pag-asam
Sa dulo't bungad ng pinagtagpo, natagpuan
Ibig kong alamin kung ang pag-ibig, may puwang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Ano ang gagawin ng puso kong nahihibang
Na nalilibang, na naggigibang naninimbang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman?

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar