Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw Panandaliang tatakas mula sa mundo ng kadiliman At lalasapin ang katahimikan kahit sandali lang Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw Handa kong harapin ang mga susunod na kabanata Hangga't kaya kong tumugma, walang bala na tatama Kung hindi dahil sa musika, baka ako ay pumanaw na O baka ang kabaliwan ay tuluyang mangibabaw na Sa dami ng aking pinagdaanan talagang nakakagulat Na patuloy akong lumalakbay dito sa konkretong gubat Ito ay dahil pinili kong kunin ang papel at panulat Madilim na kabanata ng buhay ko ay aking inulat Lahat ng galit sa mundo ay sa mikropono ko sinigaw Pagkatapos ng bawat rima ay may ngiti na lumitaw Kaya kahit saglit ay hindi ko naisipang bumitaw Kahit marami ang hindi sumasangayon saking pananaw Naalala ko pa dati sunod-sunod ang mga kumukontra Napapaaway sa labas dahil lang maluwag ako pumorma Itong sining ay hanggang kamatayan kong ipaglalaban Ito ang nagsilbing gamot para sa aking karamdaman Wag niyo 'kong husgahan agad sa pinakita kong istilo Pinili ko lang namang gawing positibo ang negatibo Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw Panandaliang tatakas mula sa mundo ng kadiliman At lalasapin ang katahimikan kahit sandali lang Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw Handa kong harapin ang mga susunod na kabanata Hangga't kaya kong tumugma, walang bala na tatama Maraming salamat sa lahat ng mga nagtiis at nanatili Nung mga panahon na ako'y may marahas na pag-uugali Mga pamilya at tropa na naunawaan ang ginagawa ko Hindi ko kayo makakalimutan yan ang aking pangako Sa unang rinig kayo'y nagulat sa mga awiting nagawa Pero tinanggap ninyo na ito ang aking pampakalma Nais ko ring pasalamatan ang mga kapatid ko sa eksena Kayo ang nagtulak sakin na seryosohin ang mga piyesa Dumadami na ang sumusporta sating tunog at lirisismo Ang lupit dahil nagawa natin to na walang kompromiso Salamat din nga pala sa mga kritiko at mga nakaaway Pati sa mga supot na makata na sinubukang sumalakay Kayo ang inspirasyon dito sa pinamalas kong sakuna Aking inambag sa kulutra ay hindi niyo na mabubura Halimaw na nilabas ko kanina ay makakatulog na ulit Pero palagi niyong tatandaan na pwede siyang bumalik Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw Panandaliang tatakas mula sa mundo ng kadiliman At lalasapin ang katahimikan kahit sandali lang Pagkatapos ng ulan at delubyo ay sisikat ang araw Masarap na simoy ng hangin ang muling mangingibabaw Handa kong harapin ang mga susunod na kabanata Hangga't kaya kong tumugma, walang bala na tatama