Kahit isang daang pusang itim ang dumaan saking harapan Ako'y sweswertehin pa rin kung karahasan ang labanan Walang katapusang kamalasan ang alay ko sa mga ingrato Sila'y aktwal na mapupugutan at hindi lang sa litrato Gusto mong maabot ang aking antas? Ika'y madidisgrasya Hagdanan na iyong aakyatin ay magtatapos sa mata Sa aking pagdating tiyak mauulit ang Plaza Miranda Dahil hindi tinidor ang mahuhulog kundi mga granada Para maiwasan ang sumpa, dapat kang matutong rumespeto Ikaw ay mag tabi tabi po kapag tatawid saking imperyo Panay kagat ko sa aking dila kaya madugo ang mga dura Palibhasa ako ang laging bukambibig ng mga bobo sa tula Pag kayo'y aking pinaalis hindi ko iikutin ang plato Ito ay babasagin sabay isasaksak ko sa pagmumukha niyo Banat niyo ay duplikado, kalasag niyo ay hindi gagana Walang talab ang asin sa dala kong negatibong enerhiya Kayo ay mahihina, habang ako'y batikan na sa digmaan Patuloy na humihinga kahit nasa gitna ako ng larawan Inyong kaluluwa ay wala ring ligtas sa kasamaan ko Mga paru paro na bibista ay sa pader ko ipapako Sa sobra niyong balimbing wala na kayong mararating Baliktarin niyo man ang suot kayo'y maliligaw pa rin Wag na kayong magpaka higante mga permanante na bano Nung tinulugan niyo istilo ko ay hinakbangan ko kayo At sa pagpasok ko sa laro, agad winasak ang mga hadlang Hindi ako nag tao po kasi ako'y mas malakas na nilalang At kung makabasag ako ng salamin walang madaramang kaba Mas masaya dahil dadami pa ang mga patalim ko na dala Etong mga gutom sa atensyon ay sinadya kong busugin Upang sila ay todo bangungutin at hindi na magising Malaking pagkakamali ang pagduda sa aking abilidad Maniwala ka sa pamahiin kapag ako na ang nagpatupad Bawal ang hindi orihinal, bawal umupo sa aking trono Ako ang iyong hamunin kung gusto mong malasin nang todo Magiging mapanganib kapag sinubukan mong sumapaw Ako ang iyong pakinggan kung gusto mo nang pumanaw Bawal ang hindi orihinal, bawal umupo sa aking trono Ako ang iyong hamunin kung gusto mong malasin nang todo Magiging mapanganib kapag sinubukan mong sumapaw Ako ang iyong pakinggan kung gusto mo nang pumanaw