Isa lang ang kailangan pag ako ang makakalaban Magsuot ng barong dahil pormal kang mamamaalam Ito'y purong gaspangan para sa mga humaharang Saksakin sa tiyan kung hindi mo to masikmuraan Mga paninira ay tinuturing kong mabuting bagay Dagdag gasolina para sa pagsunog ng inyong bahay Kayo'y dadalin sa tamang landas: diretso sa hukay Totoo ang mga halimaw at ako ang patunay Kaya sa mga hindi naniniwala, eto ang aking atake Sunod-sunod na palakol parang bobong estudyante Kung humihinga pa, pwes patuloy ang pagmamaltrato Kayo'y papalunukin ng mga kinakalawang na pako Ganito ang aking utak, sadyang napaka brutal Maluwag na ang turnilyo kaya aking tinanggal Hindi lang pinaka lirikal kundi pinaka imoral Titigil lang ako sa isang kondisyon yung kritikal Mabangis na animal, minsan lang magpakitang tao Yun ay pag sinasabit ang mga bangkay sa aking bakod Tamang ikaw ay kabado, wag na umasa sa milagro Masamang pangitain pag ako'y bumabanat ng berso Kahit pa maging alerto, mauuwi ka sa sementeryo Mga sigaw ng biktima para sakin ay konsyerto Mensahe ko sa buong eksena ay humanda sa pagsalakay Imposible nang magkaisa nagsimula na ang pag katay Kamatayan ang aking sintensiya sa kompitensya Sa industriyang puro pahaging ako'y rerekta Di bale nang di bumenta kahit malupit sa pluma Basta't ako ang magsisil-bing tagapag parusa Kamatayan ang aking sintensiya sa kompitensya Sa industriyang puro pahaging ako'y rerekta Di bale nang di bumenta kahit malupit sa pluma Basta't ako ang magsisil-bing tagapag parusa Aking ikatlong mata ay sa likuran ko nakalagay Kaya patay ang mga traydor na nagtankang sumabay Kapag ika'y binutusan gamit matulis na lanseta Lahat ay lalabas parang katapusan na ng pandemya Bawat lamangloob na kumalat ay ihahain sa lamesa Iimbatihin ang mga kapwa cannibal para sa fiesta Gagamitin kong kubyertos ang mga bali mo na buto Aking panulak sa salu-salo ay ang sarili mong dugo Matinding karahasan, yan ang palaging natatanggap Ng mga bobong nagsasabi na baduy ang tagalog rap At sa mga nagpapanggap, na sila'y mapera sa rima Pag dinukot ko mga mata niyo wala na kayong kita Unang salita palang ng aking pinaka unang linya Ay bigla nalang sumisindi ang mga itim na kandila Malalagay ka sa panganib kapag ako'y naka enkwentro Mga kaluluwang ligaw ay sa kwaderno ko dumidiretso Simula't sapul ako'y nababalot ng misteryo Pumapanaw ang mga nakakatuklas ng aking disenyo Mga sangkap ng lason ang bawat bersong sinulat Sobrang makamandag umiiwas mga ahas sa gubat Mananatiling walang kupas kung sumagupa to Imbis na asin, lalagyan ko ng bubog mga sugat mo Iyong naramdaman kung pano ako mandurog ng pagkatao Tawagin mo tong dagok ng kapalaran gamit ang maso Kamatayan ang aking sintensiya sa kompitensya Sa industriyang puro pahaging ako'y rerekta Di bale nang di bumenta kahit malupit sa pluma Basta't ako ang magsisil-bing tagapag parusa Kamatayan ang aking sintensiya sa kompitensya Sa industriyang puro pahaging ako'y rerekta Di bale nang di bumenta kahit malupit sa pluma Basta't ako ang magsisil-bing tagapag parusa