Kishore Kumar Hits

Plazma - Talampunay şarkı sözleri

Sanatçı: Plazma

albüm: Ang Ulan At Ang Delubyo


Tuluyang gumagapang ang mga ipis at uod
Sa aking katawan na para bang nalulunod
Ang hirap huminga, anong ginagawa ko dito?
Ako lang magisa pero bat ang daming anino
Paralisado, ilang oras nang nakapako
Ganitong karamdaman di na ata mababago
Sa aking tenga mga boses ay umaatake
Paulit ulit pero ano ang mga sinasabi?
Masama man o mabuti, hindi na importante
Eto na si kamatayan, at siya'y umaabante
Ganunpaman, aking ngiti ay mananatili
Ganito pala kapag nawawala sa sarili
Sa bawat imahe na bigla nalang lumilitaw
Ako'y hahalakhak pagkatapos ay sisigaw
Sabay lilipad kahit hindi nanaman gumagalaw
Nasisilaw kahit nag-wakas na ang tag araw
Ano ba tong aking mga nakikita?
Parang bang naghahalo ang langit at lupa
Sa reyalidad ako'y nakikipag sagupa
Sa kabilang buhay ako na ang mauuna
Ano ba tong aking mga nakikita?
Parang bang naghahalo ang langit at lupa
Sa reyalidad ako'y nakikipag sagupa
Sa kabilang buhay ako na ang mauuna
Bakit may mga mukhang lumitaw sa dingding?
Ayan tuloy ako'y mas lalo pang napraning
O baka naman ako'y hindi pa pala gising
Baka ito'y mula sa pagtulog nang mahimbing
Pero wala nang paki saking kapalaran kasi
Utak ay naisantabi sa isang gabi
Mga malakas na boses ay ayaw nang umalis
Mga kamay ng orasan ay biglaang bumilis
Mga litrato sa bawat sulok ay nagsigalawan
Wala akong kibo pero ako'y tinatawanan
Katinuan at kabaliwan, patuloy na naglalaban
Mga maligno sa ilalim ng kama'y nagsilabasan
Hindi ako natakot, tila sanay na sa ganito
Dahil sa halaman merong na-buong mundo
Kung saan normal makapiling ang mga multo
At walang may paki kung ang oras ay huminto
Ano ba tong aking mga nakikita?
Parang bang naghahalo ang langit at lupa
Sa reyalidad ako'y nakikipag sagupa
Sa kabilang buhay ako na ang mauuna
Ano ba tong aking mga nakikita?
Parang bang naghahalo ang langit at lupa
Sa reyalidad ako'y nakikipag sagupa
Sa kabilang buhay ako na ang mauuna
At kahit nakabangon na ako sa higaan
Sobrang kakaiba pa rin ang karamdaman
Ito ba ay talagang wala nang hangganan?
Dito na ba ako permanenteng maninirahan?
Nakalabas ng silid, bumubula ang bibig
Naninikip ang dibdib, sabay nanginig
Pinilit umabante at nang umabot sa kalye
Aking nasilayan ang isang matandang babae
Lumapit siya sakin habang lumuluha ng dugo
Tinubuan ng pangil pero wala akong kibo
Hindi makagalaw kahit gusto ko nang tumakbo
Handa na 'kong pumanaw pero bakit ganito
Normal na ulit ang nakikita ng dalawang mata
Tuwid na ang mga paa, diretso na 'ko magsalita
Pero putangina, ibalik niyo ako sige na
Dahil kahit malagim ang dinanas gusto ko paaaa!
Ano ba tong aking mga nakikita?
Parang bang naghahalo ang langit at lupa
Sa reyalidad ako'y nakikipag sagupa
Sa kabilang buhay ako na ang mauuna
Ano ba tong aking mga nakikita?
Parang bang naghahalo ang langit at lupa
Sa reyalidad ako'y nakikipag sagupa
Sa kabilang buhay ako na ang mauuna

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar