Dahil sayo, natutunan ko kung pano umibig Kaso hindi ka mapapasakin kahit pa sa panaganip Kaya eto ako nag-iisa at umaaasa sa mga tama Baka bukas makalawa ay biglang magbago ang tadhana Unang tama ay mula sa isang kahon ng pulang kabayo Na ako lang umubos, para makalimutan na ang mukha mo Kaso malabo... kasi mas lalo... ka pang gumaganda Ang sakit lang tanggapin na ako'y binabalewala mo na Masaya yung ating simula, sariwa pa sa aking ala-ala Nung tayo'y nagkwe-kwentuhan mula gabi hanggang umaga May naramdaman akong koneksyon, handa nang mag-seryoso Anong nangyari? Ayun, mas pinili kong lumapit sa tukso Mas inuna ko pang sagutin ang mga tawag ng laman Masarap nga sa pakiramdam pero puro panandalian lang Pagkalipas ng dalawang taon, bigla ko nalang napagtanto Na ikaw pa rin talaga ang babae na pinapangarap ko Agad akong nagparamdam ulit, at doon ko nalaman Na mas masaya ka na sa piling ng bago mong kasintahan Sinabi ko mag-hihintay ako, sagot mo? "wala nang tsansa" Pero salamat sa alak, tingin ko'y meron pang pag-asa Dahil sayo, natutunan ko kung pano umibig Kaso hindi ka mapapasakin kahit pa sa panaganip Kaya eto ako nag-iisa at umaaasa sa mga tama Baka bukas makalawa ay biglang magbago ang tadhana Ikalawang tama ay mula naman sa nakabalot na damo Pagkatapos kong sindihan medyo naging kalmado na ako Pero hindi ko pa rin kayang tanggalin sa aking isipan Na ikakasal ka na habang ako'y nananatili sa kadiliman Kaya pala hindi mo na sinasagot yung bawat tawag ko At balita ko yung binigay kong rosas ay tinapon mo Gusto ko lang na malaman mo, na talagang pinagsisihan ko Ang kasalanan ko, bakit ba hindi mo maunawaan to? Ngunit huli na ang lahat, ika nga ng iyong barkada Tanging hiling ko nalang ay habang buhay kang maligaya Maghanap nalang daw ako ng iba kaso wala pa 'kong gana Ikaw pa rin ang nakikita pag may bagong nakikilala Ikaw pa rin ang naririnig sa tuwing may nagsasalita At ikaw pa rin ang naaamoy saan man ako magpunta Muntik na 'kong lumuha dahil wala ka sa aking tabi Buti nalang may halaman na sa akin ay nagpapangiti Dahil sayo, natutunan ko kung pano umibig Kaso hindi ka mapapasakin kahit pa sa panaganip Kaya eto ako nag-iisa at umaaasa sa mga tama Baka bukas makalawa ay biglang magbago ang tadhana Ikatlong tama ay mula sa bakal sa aking kanang kamay Gusto kitang makita ulit, pagod na 'kong mag-hintay Kaya nandito ako sa labas ng inyong magarang tahanan Maraming salamat at pinili mong buksan ang pintuan Pasensya na pala sa istorbo, alam kong hatinggabi na Natatakot ka ba sakin? Bakit nahihirapan kang huminga? Iniisip mo ba ang iyong asawa? Hindi na yun babalik Nasa gitna siya ng kawalan ngayon at wala nang imik Ito nalang ang tanging paraan para tayo'y magkatuluyan Huwag kang mag-alala sinta, ikaw ay aking aalagaan Hindi kita ililibing, sa bahay ko tayo didiretso At doon ko papatunayan na ang pag-ibig ko'y seryoso Patuloy kitang kakausapin kahit hindi ka na kumikibo At kapag nabubulok ka na, ako pa rin ang ka-siping mo Pang habang buhay na tayo, isang perpektong romansa Ipikit mo na ang iyong mata at sa akin sumama