Hindi ko alam kung ano na ang eksaktong petsa at oras Alam ko lang na gabi na at ilang araw na ang nakalipas Ang dilim dito at lagi akong dinadapuan ng mga langaw Yung buwan mula sa bintanang maliit ang tanging ilaw Gusto ko mang tumakas pero kailangan tanggapin na malabo Gawa sa bakal ang pinto at ito'y sa labas nakakandado Nahihirapan akong makatulog dito sa nabubulok na kama At etong nasa harap ko ay walang ginawa kundi tumawa Kilala ko na siya nung kami'y bata pa at dun ko nakita Na siya ay may sira, kahit anong gamot ay walang bisa Aking nasaksihan ang mga nakakakilabot na ginawa niya Inosente yung mga tinaga niya pero siya'y tuwang tuwa pa Nandun ako nung nahuli siya at mga ebidensya ay sapat Duguan na itak at mga bangkay na tinanggalan ng balat Kaso ako ay pinosasan rin dahil ako raw ang kasabwat Anuman ang paliwanag ko ay baliwala sa kanilang lahat Kaya nandito ako ngayon, kinabukasan ko ay nawala na Hindi ko na matiis ang galit ko sa tunay na may sala Ako ay tumayo at pinaulanan ko siya ng mga sapak Kung dati ako'y takot ngayon hindi na 'ko nasisindak Solidong mga suntok sa mukha pati sa kanyang tagiliran Nakakagulat dahil parang hindi man lang siya tinamaan Ako'y kanyang sinakal, buhay ko'y unti unting gumuho At hinampas niya nang ilang beses sa pader ang aking ulo Dito sa bartolina sino ang tunay na salarin? Karumal dumal na krimen ay hindi ko kaya na gawin Dito sa bartolina paano nga ba nakarating? Ako'y papanaw na kahit hindi ako ang salarin Nakahiga sa kamang puro ipis at nakangiting iniisip Lahat ng aking mga biktima at mga dugo na sumirit Hindi ko talaga mapigilan tumawa sa tuwing naaalala Ang kanilang mga pagmumukha kapag sila'y nagmamakaawa Bakit ba ako naging ganito? Hindi ko rin matandaan Basta ako'y masaya pag kinakatay ang kanilang katawan Pero masyado akong kampante kaya ang resulta nahuli Di na bale, aking pagtakas ay pag-aaralan mabuti Kailangan ko munang patahimikin tong kasama ko sa selda Puro reklamo ang puta eh siya nga tong sama nang sama Sa aking mga paglalakbay na marami ang napapatay Nung siya'y pinasosan kunwari pang walang kamalay malay Naramdaman ko ang kanyang galit nung bigla siyang tumayo Ako'y pinagsusuntok, pero tanginang to napaka bano Sa bawat sapak niya ni-isa ay walang epekto sakin Agad ko siyang sinakal nung nagsimula na siyang hingalin At sa sementong pader dun ko pinaghahampas ang ulo niya Tumatalsik ang utak habang ito'y unti unting bumubuka Pagtapos ng ilang segundong tagumpay ako'y hinimatay Nung bumalik ang kamalayan ako'y nasa sahig nakaratay Bakit mag-isa nalang ako dito at bakit sobrang nahihilo? Mula saking ulo ay meron palang dugong tumutulo Pira pirasong utak ko pala tong mga nagkalat sa paligid Hindi ko inasahang papatayin ko ang aking sarili Dito sa bartolina sino ang tunay na salarin? Karumal dumal na krimen ay kayang kaya kong gawin Dito sa bartolina ako'y nakatadhanang makarating Pero sa aking pagpanaw ako pala ang salarin