Ayokong lumabas kapag sumisikat ang araw Masakit sa mata at ako'y literal na matutunaw Pero sa pagsapit ng dilim magbabago ang tadhana Ako'y babangon mula sa kabaong para maminsala Mga pangil ay tutubo at paningin ay mamumula Maghahanap ako sa eskinita ng bagong biktima Pag merong matripan, leeg niya ay kakagatin Tapos kanyang dugo ay unti-unting sisipsipin Kailangan ko to gawin upang manatiling malakas Kaya kung hindi ka kauri hindi ka makakaligtas Ayoko rin sa bawang, banal na tubig at krusipiho Lahat ng kaaway ko gusto akong saksakin sa puso Pero palpak ang sinumang nagtangkang lumaban Hindi nila kaya ang aking taglay na kapangyarihan Higit dalawang libong taon na ako sa mundong ito Kailanman hindi pinagsisihan ang pagiging ganito Sa libro at pelikula madalas niyo akong makita Sino ako? Ako'y isang bampira Kaya hindi ka nakakatulog tuwing hatinggabi At palagi mong gusto na meron kang katabi At ayaw mong naglalakad nang magisa pauwi Yan ay dahil sakin, hindi mo to matatanggi Kaya kapag dumidilim ikaw ay sobrang kabado At mga bintana't pinto mo ay sinasarado At ika'y nagdarasal para sa iyong kaligtasan Yan ay dahil sakin, wag nang magmaang maangan Sa normal na araw ako'y isang normal na nilalang Pero kapag bilog na ang buwan, bituka ay halang Mangigisay habang mga mata ko'y nagiging dilaw Bawat kuko ay tatalas, at ako'y mapapasigaw Tapos buhok ay tutubo mula ulo hanggang paa Sugatan ang mga labi, ako'y may pangil na pala Hindi ko na mapigilan sumuko na ako nang tuluyan Kailangan kong tanggapin itong bagong katangian Ako'y sobrang nagutom kaya ang naging kasunod Tumakbo ako palabas para kumain ng lamangloob Garantisadong biktima ang una kong masisilayan Sunod-sunod na kalmot ang una niyang mararanasan Pagbagsak niya sa sahig maguumpisa na ang kainan Buto lang ang matitira dito sa madugong hapunan Hindi pa lumiliwanag pwede pang rumonda sa kalye At maghanap ng inosente na gagawing putahe Kapag ako'y nabusog dun ako aalulong nang todo Sino ako? Tawagin mo kong taong lobo Kaya hindi ka nakakatulog tuwing hatinggabi At palagi mong gusto na meron kang katabi At ayaw mong naglalakad nang magisa pauwi Yan ay dahil sakin, hindi mo to matatanggi Kaya kapag dumidilim ikaw ay sobrang kabado At mga bintana't pinto mo ay sinasarado At ika'y nagdarasal para sa iyong kaligtasan Yan ay dahil sakin, wag nang magmaang maangan Yung naunang dalawa, anak ng puta malamya Sila'y kathang isip lamang, ako'y tunay talaga At ang mas malala, pumapatay nang walang babala Madilim man o maliwanag, ako'y seryoso na banta Pag kumikitil ng buhay iba-iba ang aking paraan Pwedeng malinis na tahimik, o pwede ring duguan Pwedeng may sandata, o sarili kong mga kamay Minsan ay ginagahasa ko bago ko gawing bangkay Marami akong anyo, kung hindi mo pa to nalalaman Ako'y politika, guro, pulis o taga simbahan Ako yung kaibigan na lagi mong nakakainuman Ako rin yung hindi mo napapansin sa daanan Pumapaslang ako dahil sa gutom, sa kapangyarihan Sa init ng ulo, sa simpleng di pagkakaunawaan Sa panibugho, kung minsan ay walang dahilan Minsan naman kapag ako'y talagang nababato lang Aking kasamaan ay likas at hindi na mababago Sino ako? Walang iba kundi tao