Sa pag-atake ng mga balwarte doon talaga ako magaling Aking pagkatao madilim kahit anino ko napa-praning Walang ni-isang kantang malamya, lehitimong berdugo to Sino ang aking impluwensya? Yung mga boses sa ulo ko Ang daming nanghihila pababa, magkita tayo sa impyerno Handa na libingan niyo ako'y masipag na sepulturero At sa mga idolo niyo, mababa pa rin ang aking pagtingin Sila ay titingilain ko lang pagkatapos kong bigtiin Huwag ka nang umasang makarinig ng mga hugot na bara Binaril ko bigla si Cupido nung naglabas siya ng pana Oo, walang kabuhay-buhay mga sinusulat kong talata Dahil marami ang namamatay, kwaderno ko'y maling akala Patalikod ka ba manira? Pwes ilalabas ko ang katana Sabay hiwa sa mukha para maging permanenteng doble kara Stilo ko masyadong mahiwaga, kaya itinuring na banta Mga bersikulo ko ay nagmumulat ng ikatlong mata Lahat ay itutumba, bawat kritisismo'y imbalido Yang sinasabayan niyong agos ay biglang magiging asido Ganyan ang mararanasan mo pag ako ay kinalaban mo Patong-patong na mga bungo ang nagsisilbing entablado ko Kahit ako ay pumanaw na, aktibo pa rin sa larangan Sapagkat maghahanap lang ako ng panibagong sasapian At kung ikaw ay nabwisit sa mga linya kong binatawan Gagamit ako ng palakol upang buksan ang iyong isipan Ayaw mo sa ganito? Yung mga bara na pumapaslang? Ayaw mo sa mga berso na brutal ang nilalaman? Ayaw mo sa lirikalan? Kaya ka ba nabubuang? Isa lang ang ibig sabihin nyan, isa kang mahinang nilalang Mas gusto mo ba yung mga awiting pumapatok sa masa? Mas gusto mo ba yung mga gasgas at malalambot na tema? Mas gusto mo ba pakinggan yung mga madali lang sabayan? Isa lang ang ibig sabihin nyan, isa kang mahinang nilalang Subukan mong tapatan ang aking husay sa pamiminsala Mapapa kapit ka sa patalim gamit ang iyong bunganga Puro bano na ang mga nasa tuktok, lagot kayo sakin Para akong mina... magpapasabog mula sa ilalim Lumaki nung dekada nobenta, sinisigawan ng piawsi Ang mga peke sa industriya bago sila iwaksi Mala Pooch ang aking galawan sa bawat duelong pinasok Dahil pag ako ay lumilitaw may mga umaalulong na aso Matira matibay ba kamo? Yan ang paboritong kong laro Magunaw man ang planeta mananatili pa ring nakatayo Bakit daw ako nagtagalog ulit? Hindi lang dahil mas brutal Kundi para mas lalong mabwisit ang lahat ng mga sosyal Kung sa sariling wika ay talagang wala kayong bilib Hihilahin ko dila niyo mula sa laslas sa inyong leeg Sino ba kasi nagbigay ng mikropono sa mga bobong to? Dumadami nga kayo pero pare-pareho naman ang tono niyo Ang maagaw ang trono ko ay ilusyon lamang mga gago Yan ay suntok sa buwan pagkatapos maputulan ng braso Mersernaryo ng koponan ng kamao, kayo'y sumaludo Balisong ko ay parang payo ito'y inyong isasapuso Ibabalik ko kayo sa panahon ng purong lirisismo Mga papogi at pabida sa eksena ay mabibisto At ano daw ang matututunan ng kabataan sa mga rima ko? Magistigil nga kayo, hindi ako ang magulang niyo! Ayaw mo sa ganito? Yung mga bara na pumapaslang? Ayaw mo sa mga berso na brutal ang nilalaman? Ayaw mo sa lirikalan? Kaya ka ba nabubuang? Isa lang ang ibig sabihin nyan, isa kang mahinang nilalang Mas gusto mo ba yung mga awiting pumapatok sa masa? Mas gusto mo ba yung mga gasgas at malalambot na tema? Mas gusto mo ba pakinggan yung mga madali lang sabayan? Isa lang ang ibig sabihin nyan, isa kang mahinang nilalang