Pitong taong gulang binansagan agad na delikado Habang naglalaro sila sa labas ako'y nakakulong sa kwarto Nanonood ng mga madugong pelikula na may ngiti sa mukha O nakikipagusap sa taong hindi nakikita ng iba Kapag pumapasok sa skwela dumidilim ang mga paningin Tingin ko sa bawat kaklase kaaway na dapat pabagsakin Kaya biglaan nalang akong nananapak o nananadyak Hindi tumitigil hanggang ang bunganga nila'y wasak-wasak At imbis alagaan ang mga nakikitang hayop sa lansangan Ako'y naglalabas ng pluma at sila'y binubutasan Kaya naisip akong dalhin sa tahimik na opisina Kaharap ko'y matandang lalake na may suot na antipara Ang daming tinanong, pero hindi ko sinagot nang direkta Ang daming pinakitang litrato pero ito'y aking dineadma Pagkalipas ng isang oras, siya'y lumabas ng pinto Tapos sinabi kay inay "may problema po ang anak ninyo" Nung ako'y naging binata mas lumala pa ang sitwasyon Sumali sa kunyari kapatiran para mas maraming aksyon Dinaig ko pa ang boksingero sa dami ng nakasuntukan Imbis na tumutok sa pag-aaral, nag-sipag sa rambulan Pero agad ding pumanaw ang grupo na aking pinasukan Mga itinuring kong kakampi ay nagsi-lipat sa kalaban Yan ang rason kung bakit lumaki lalo ang galit sa katawan Kung meron lang akong baril siguradong marami nang tinablan Tapos bigla akong nakarinig ng mga tumutugmang salita Kasabay ang bumabayong tunog ako'y tulu-yang namangha Nangolekta ng mga obra hanggang sa tinanong ko sarili ko Bakit di ko subukan to? Ang bumuo ng mga liriko Binuhos ko sa kwaderno ang mga poot na nadarama Hindi ko lubos akalain na dito pala ako kakalma Nakagawa ng ilang kanta, napabilang sa solidong kampo Ginanahan pa lalo nung tumapak sa entablado Sa wakas, nakapag labas rin ng sariling proyekto Hindi man bumenta masyado, nakuha ko naman ang respeto Ng mga kapwa sundalo sa eksena mga tunay na makata Naisip kong sumali sa liga para lalong maipakita Ang aking kakayahan sa pag-akda ng mga solido na rima At para maikalat din ang mga nilikha ko na musika Parang naabot ko na ang tuktok, kaso hindi pa pala Dahil biglang nag-sulputan ang libu li-bong talangka Itigl ko na daw to, hindi daw ako makasabay sa metro Ang kakapal ng mukha eh hindi naman kayo musikero Sabi ng mga siga sigaan, peke daw aking pagkatao Wala kayong alam sakin huwag kayong umastang husgado Meron ding mga pinagtatawanan lang ang aking mga kataga Palibhasa buong buhay nila parati silang masaya Ako'y binantaan ng kamatayan kahit walang tinatapakan Ganunpaman, hindi ko naisip na tumigil sa tugmaan Ilalabas ko nalang ang halimaw na matagal ko nang tinago Papaslangin nang walang awa ang lahat ng tumarantado At dahil tuloy pa rin ang inyong pagbatikos kada minuto Humanda sa malakas na pag-ulan at mapanganib na delubyo