Kishore Kumar Hits

Batas - Salaan (feat. Goriong Talas, Anygma, Sayadd, Dhictah, Plazma, Emar Industriya) şarkı sözleri

Sanatçı: Batas

albüm: Ginoong Rodriguez


Walang tinitingalaan to sapagkat
Sobrang baba ng tingin ko sa lahat
Sarili ko lang ay higit na sa sapat
Grabeng pagmamataas hindi pwedeng babagsak
May panindigan! kaya ko mag-isa!
Hindi makiki-usap kahit maparalisa
Parang Quiboloy silbi ko ay mag-bida
Akong panginoon sakin kayo magsimba
Maharalika at bahid ng akin na dugo
Matigas ang bungo parating tama punto
Iba ang init pag-ako nagpakulo
Ako ang araw dahil sakin umiikot ang mundo!
Hambog, ingrato, mayabang na tao
Di ako iglesia gusto lang laging manalo
Papanaw muna bago magpakumbaba to
At hindi magbabago parang si Randy Santiago
Halimaw na nagngingitngit na kulay berde ang mata
Nakahanda nang manggilit punyal ay nakaamba
Ding hindi papahigit ang lalamang ang ay ako na
Kaya ikay ililigpit hangin lang ang matitira
Katangian ng iba'ng syang ninais kong makamit
Ilalagay ang mga mukha imprementa sa puting damit
May bahid ng poot paet kapit sa patalim tong gipit
Nagkatawang taong sabi sabing mamamatay ka sa inggit
Yung tipong masama na bugtong linya na walang dugtong
Magbibigay tuldok tyak hihinto yung pag usbong
Kada baliy malutong pagnanasay binunton
Sa huling hantungan mo dun ka makakatungtong
Ako'y naisulat na noong panahon walang papel
Tanungin mo si kain kung ba't pinatay nya si abel
Lahat itoy na ilahad wala pang tore ng babel
Pinaghuhugutan nya kaya may dugo dun sa pader!
Tatamaan ng gigil maski sumagi lamang sa isip
Hahanapan ng biktima kahit yung nananahimik
Di na makapagpigil nagiging pangil ang ngipin
Siyang nais ang ipipilit ngunit nawawala sa sarili
Pakapalan ang hirit habang yung paningin ay kumikitid
Sumisirit ang init at nagdidilim ang paligid
Ni katiting na malinis wala sa aking ibig sabihin
Sa pagkamuhi naalipin sa patalim nakabingit
At walang iniintindi kaya hindi magiging hadlang
Ang kahihinatnan nagsisilaban ng mas higit sa gaspang
Maling hinakbang sa matinding kalam
Na 'di paaabutin sa pagsisisi man lang
At kung inaakalang bumababa na ang sintomas
Pagkakamalang pamapalakas ito na droga
Mas akma na kalasag kaysa armas 'pag pinang-porma
Nakakahawang sakit na lumalala kada istorya
Hindi nangyare ang nangyare na dapat inawat
Magbanat ng katawan kumatawan sa binanat
Ang sinasabi ng nagsabi winarat inalat
Inasahan iniasa pinasahan ipinasalamat
Humikayat at linaga sa tyaga
At dagdag sa timbang akala sa maga
Umiikot ang bintang sa masasagawa
Di baleng malinlang may hiwaga sa wala
Sinisintay tumatabang naghihintay nag aabang
Maghihinay umaasang ihahain ng kusa
Ibibigay inaasam mag iingay aastang
Himihimlay matatakam sa kinain ng lupa
Mga nag tangkang maghugas ay taglunod sa babaw
Kung pwede ipagpabukas ang pagbukod sa ayaw
Nagpahabol kumupas dalang tungkod hinataw
At iwawastong daan sa susunod na araw
Ganid ang bitbit kong pananaw
Upang limitahan ang inyong mga galaw
Manlalamang kasi sa mga bagay ay silaw
Swapangin ang lahat kahit kasalanan ko ay lumitaw
Walang pakelam kahit sinong matamaan
Basta makuha ang mga bagay na kailangan
Di uso ang kawawa sa lahat ng masagasaan
Ang karma ay ako ako yung mismong kasalanan
Kaya walang parte parte di pwedeng tumangge
Ikay baril pwes ako yung aasta na tangke
Kapag nalamangan di ako mapakale
Kung lahat nagtanim magdadamot ako sa tag ani
Walang hatian akin ang lahat
Sugapa ang ugaling aking pinapa bakat
Ako ay ako handang kuhanin ang lahat
Dahil di ko ugaling maging mahina sa pangkat
Anuman ang nakahain tang ina mapapasakin
Lahat ay uubusin yan lamang ang hangarin
Buong mundo ang plato ko pero di pato sapat
Akin tiyan ay lumulubo daig ko pa parak
Nakilala ako dito bilang gutom na birador
Sandta na ginamit ay kutsara't tinidor
Sa putahe ako'y lubog kahit pa na mabusog
Tuloy lang ang chibog kahit isinuka ang sahog
Merong mga boses na pasigaw na sinasabi
Huminahaon daw ako kung ayoko na madale
Kailangan ko daw alagaan ang aking kalusugan
Pero imbis na makinig sila'y aking tinawanan
Ito ang buhay ng berdugo sa hapag kainan
Bawat oras na lumipas napupuno ang katawan
Lamon lang nang lamon bumigat man ang pakiramdam
At kung ako'y mamamatay alam niyo na ang dahilan
Gawin ang nais na gawin pagnasain ang tahanang makasarili
Pagka't ikaw lang din mag-isa sa huli sa dilim
Ragasain sagasaan ang para sa lahat ay pagnasaan
Makulangan may imungkahi ang hindi pinaghirapan
Kinagisnang nakikipagtunggali dala ng pagmamadali
Halakhak ng pagkukunwari nakabubulahaw na galing
Isaing ang daing ng palay sa kamalig kamkamin
Buong mundo ay angkinin ng taong dito ililibing
Nagliwaliw maraming buhay ang pinipitas
Bubungkal ng lupa't tataniman ng pumipitas
Nakikipagmuhay inaangking kasanayang lumilimas
Isipan ay winawaldas ng matunaw na inaagnas
Tangan tangan ang kayabangang pumipiglas
Pintura ay pagnanasang pintang pumipintas
Halika na't lundagin ang kamatayang binabagtas
Ngayong nakarating ka na sa pinakamataas na antas

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar