Bakit ba maraming nagsasabi na Ang katapusan ng planeta na to'y malapit na Kung isa ka sa kanila, pare yari ka Pagkat ito nama'y kasalukyang nangyayari na Putangina nagsisiputukang mga bulkan Budburan ng apoy at abo ang kamunduhan Nakatutustang haring araw, La Nina'ng walang humpay Mala-asidong sinag, piniprito ka ng buhay Walang kristo kristo pag ang ipo-ipo Nagsimula mag-sirko dito, wasak kung sino-sino Handa ang milyong nitso kapag lumindol dito, Libo-libo tinupi o dinurog nang pinungpino Mga bagyo: alam na malagim ito Lagpas gusali na baha ang mismong sasapitin mo Daan-daang siyudad, nakalubog sa likido Mistulang sementeryong nag-anyong dagat pasipiko Ngayon aminin mo, di ba nangyayari to? Halik ni kamatayan ay dumapi na sa labi mo Agaw-buhay ang mundo at kung aaralin mo Nasa gitna na tayo ng huling paghinga nito kasi Populasyon dagsaan ngayon At bagong nakakamatay na sakit kada-taon Wala pang rasyon ng lunas para sa mga 'yon Kaya resulta ay mga pamilyang naka-kahon At bawat nasyon, simot kuryente sa planta Kapos sa tubig at pagkain ng mga masa Malawakang pagkagutom ay laganap sa mapa Matanda at mga bata bulagta sa kalsada Kaya puro lang gulangan Dugasan, para lang sa buhay ay lumamang Sugal lang, sa butas ng karayom pa dumaan Kaya para lang sa tinapay, may handang pumaslang Luhaan... nang dahil sa gera Sa langis at politikal na karera Teritoryo, prinsipyo, rehiliyon, at sa pera Gera para sa lahat ng klase na tema Ang planeta nangangamoy bangkay Kumalas na ang huling tuyong dahon sa tangkay Kung tumitibok ang puso mo, wala na 'yang saysay Kasi kung iisipin, matagal ka nang patay Bakit ka pa nagaabang ng kamatayan ng mundo Kung sa lapida'y nakaukit na ang pangalan mo Katotohanang tumatagos hanggang buto Dumungaw ka kaya sa bintana ng kabaong mo Ba't ka pa nagaabang ng kamatayan ng mundo Kung sa lapida'y nakaukit na ang pangalan mo Katotohanang tumatagos hanggang buto Dumungaw ka kaya sa bintana ng kabaong mo