Muling nagbabalik
Pero bago 'yon, gusto ko munang magpakilala ulit
At pakinggan n'yo 'to
Sa braso ko ay nakabakat, marka ng pagkakabitak
Naninigas na ugat, tanda ng binubuhat na mabigat
Magmalaki ka sa aking harap, may dagok ka na matatanggap
Sinasanay mo pa lang humawak, bihasa na 'ko sa pagsunggab
Padausdos na kambiyo sa tersera, paspasang pagsugod sa giyera
Gumagalaw maski dilim, ang mata'y nag-aalab na parang gasera
Pinatawan ng sentensya, isang linggo ang nakalipas
Inagawan ng puwesto ang mahistrado, bawat hatol ay aking pinilas
Nasa kamay ng dukha ang batas, hindi sa nagmamatigas
Handang mamatay, walang pag-aari, mag-isang nilulutas
Katarungan? 'Di matulungan; walang pabuya, walang pakinabang?
Kikitil nang walang alinlangan, huwad na alagad ay sasagasaan
Sasagabal ay sasamain, sa hangin umaatake, 'di kayang salingin
Paano ngangaratan, ni hindi nakatingin?
Subalit nakaalerto sa iyong pagdating
Simulan mo nang magsulat, mas mahapdi ang tama kaysa sa itak
Pagbuka ko ng bibig, ang apoy, rumatrat
Mala-bala ang ragasa na sa aking pagtalak
Kasinggaspang ng espalto, tantiyado; ang galaw mo, kabisado
Asal-bastardo, panggagantso'y memoryado
Maligayang bati sa sumasamba sa santo
Ang umaasa sa biyaya, paulanan mo ng asido
Baldado, s'yang humamon, kalagayan ay delikado
Nangahas makapuntos, ang tira'y binutata ko
Planong kontaminado, paano mo matatalo?
Ang doble-karang mayroong dalawang mandirigmang pagkatao
Tinalupan ng semento, hinaluan ng kongkreto
Pinagtibay ng lamig at init ang aking rebulto
Ang aking sinasabi'y hindi nakikita sa mata
Sa puso natatagpuan, awitin ko ang nagdala
Huwag kang maingay 'pag may nagsasalitang hindi mo pa kakilala
Baka sakaling nasa dalahin n'ya ang natatangi mong pag-asa
Ang pananahimik at pakikinig ang pinakamabisa mong sandata
Sa oras na ika'y magsalita, sa binibitawan mo'y 'di makapaniwala
Ang dating naglulubog sa 'yo, pilit sumasabit sa iyong pag-ahon
Tila nakalimutan na kung paano ka hinatak pababa kahapon
Kinilala ka nang maglaon, dati, 'di inaasahang yumabong
Katunayang 'wag manghusga kung 'di rin lang ikaw ang nagpapalamon
Mga nananadyang mang-ipit, sila ang umaani ng pasakit
Ilang beses na kitang binalaang bawas-bawasan ang panlalait
Oh, pangangarera patungo sa unahan
Manguna ka lang, 'di dalawang-isip manggulang
Malay natin sa paghuhukom, ang pipiliin ay ang nasa hulihan
Isa rin ako sa namimintas, pero may angkop na limitasyon
Minsan ang pananalamin ang aking bitamina para lang may maidugtong
Pinapansin, 'di upang ipahiya, sinusubok kong itama ang mali
Bago dumating ang huling sandali kaya ako nagmamadali
Ako nga pala si KJah
Nagmula sa Camarin, lungsod ng Caloocan
Mapayapang pamamahinga sa mga napag-iwanan, ha-ha-ha
Поcмотреть все песни артиста