Sayadd Gutom sa lumipas o nakalipas na gutom Destinasyon umiiwas sa bawat pag sulong Palulubugin ko na lamang yang daanang pag gulong Ikaw na lumapit at makasalubong Batas Ito'y may mararating, maputing katulong Hinaharap ay lasapin malaki na suso Lahat aasarin ako'y balat asungot Madami paiiyakin unang gabi ng burol Goriong Talas Ako'y nabuhay sa dilim nato para lamang matuto Pumaslang nang palihim dulo ng pluma ang pang turok Ang resulta ay pag patak at pati n arin pag tulo Ng dugo ng mga banal nasa akin nalumo Sayadd Tumawag sa langit galit na damuho Sumalo ng pasakit naakit sa luho Nag pakitang pawis na nais mamuno Binhi na inutang ay di na patubo Batas Sobrang hangin ng dating na parang Don Facundo Kahit walang kamay samin napapasaludo Mas nakaka praning pa sa pag gamit ng bulto Ang Batas batas pa rin kada sulat ay asunto Goriong Talas Di ala-ala kung di bala ang itatanim sa ulo Pag daliri itinuro na makapiling nagturo Walang tamis ng tagumpay sa pait nitong pagsubok Na hinalo ko sa lasong kung tawagin ko ay pagsuko Sayadd Sagasa sa lahat sumalungat na sa kurso Ng kalikasan at nag paka tuso Kalayaan lantaran nang inabuso Hanggang sa ito'y nawalan na nang punto Batas Bawat tugma nangu-nguna aming numero ay uno Habang kayo sumusunod sanay kayo sa utos Sobrang lakas nang alon mga isda biglang nalunod Imposibleng na matalo parang bawat laban ay luto Goriong Talas At lahat naging abo sa malakihang pag sunog Parang tulak ng bato sa swabe kong mandurog To'y pag dagit nang lawin na nilaban sa isang pugo Kailan ma'y di magsasabay kinakasal na sukob Sayadd Mayroon nga bang pabuya sa papilit na pag suyo Napapikit sa pag dikit ng mga paa sa nguso Sa ganto ay mapipigil pa nga ba ang pag guho Gayon lahat ay dito din naman ang patungo Batas Umiindak habang buhay parang pag tibok ng puso Munting papel niyo ay wala na kayo ay Anak ni Bakuko Kami pa rin pinaka matibay tigas hangang sa dulo Mga bida dati ngayon maging amuyong Goriong Talas ______ ligas buga namin ay puro Pang kayo"y hinog sa pilit na tila kinalburo Ang trabaho koy hukom ako si goryong taga pugot Sa lalim nang mga linya walang makakalusong Waaah... ILLUSTRADO! Ito'y tagaan nang ulo Nayanig nag mundo sa paglindol, pagkidlat, at pag kulog Mula sa dilim biglang lumitaw ang apat na ministro ng tunog Dala ang tambol mga palakol nag aabang maihampas May samang sigaw at batingaw na may tugmaang katumbas