Habang unti-unting nawawala ang natitirang liwanag Na aking naaninag ay pabalik-balik Ang mga mukang sa akin ay nag lilingas sa galit Pilit na tinatarak ang kalawangin na karit May bumibigkas ng dali ay lihiyang ginamit Ngunit mahigpit pang kumapit upang hangganan di sumabit Pinipilit bumangon sa huling hininga Upang lahat sila'y kalusin nang walang matira Ako'y umukit ng pangalan sa pala tinigan Imortal aking tinig diwa'y walang hanggan Lumalaban kahit na mga kapang katay lumiban Patuloy sa pag talas ang katinig at patinig Na hinasa ng landas na aking inilawan Di malilibing ang sining kahit na ako'y lumisan Walang huling habilin at walang huling hantungan Saling labi't saling lahi mananatili ang minana ko na laban Sa harap ko'y liwanag na lubhang nakaka-akit Sa likod may nag sasabi na wag akong lumapit Sa gilid may mga banal na natataranta At mga diablong umaawit sa kabilang banda Nasa tagahusga na nga ba ang kapalaran At mag bibilangan ba tayo ng mga kasalanan Kung yan ang isip niyo sa bingit nang kamatayan Ay hindi ako yung nasa alanganin kalagayan Tara sige Makikipag-tuos ka ba sa enerhiyang namanhid na nang lubos Kalma sige Mga emosyunal tungkol sa paraiso ng mga delusyunal At kung anyong pisikal ay paso na panatag Ko na masisisid yang eternal na alab Di ka mababasag sa di mo maarok Kaligtasan sa wala sa iba mo ialok Tila nag bunga ng lahat ng kasamaan ko At ang anghel dela guardia ko sakin nagtampo Habang nawawalan ng hangin at nag hihingalo Umakyat si satanas para sunduin ako Parang lahat nalang gumuho at biglang naging abo Napilayan ang mundo't bumagal ang ikot nito Matapos kalabitin ang bakal na nagka ganun Nag mistulang papaitan ang kutsyon saking apdo Di naman ko aktor pero lahat naging madrama Nang unahin ko ang kama kaysa matakot sa karma Nung tinawag nang laman pang wawasak nang pagsasama Umawit putok ng butas sa gabe at ang harana Higa at duguan habang ako'y hubo't hubad Ganun din ang kalaguyo ko ngunit nakatuwad At kumalat itong kwento malabagong alamat Habang naka ngiti ako'y pumanaw ng dilat Nanindigan nang walang sinandigang milagro May tiwala sa angking kakayahan nang tao Habang sila'y nag aabang ako ay gumawa Ng mga bagay na tawag nang iba'y himala Masamang halimbawa na nga bahay tignan Kung sinamba ko'y salamin sa aking harapan Ito ang nag bigay sakin ng kapangyarihan Hindi mahika dugo't pawis sakin pinag hirapan Nasaksihan kung gano kahina ang aking kapwa Wala sa sarili ang kanilang paniniwala Yun ang hudyat kung bakit kailangan ko mag-isip Na siya naman bumabangungot tuwing nananaginip Pero kung kukunin muna Nawa'y tanggapin mo ang aking pagbabalik ama Sagrado pag asa ko ang tulad ko'y di lamang Basta hahandusay nang mapag patuloy Ang kabangisan maging kabilang buhay Sa huling sandali ng buhay ano ang makikita May kasama bang pamilya o ramdam mong inulila Ka ng lahat umalis na para bang nahuli ka Unti-unting naubos parang may sinding kandila O baka nasa kapilya nakaluhod nagdarasal Habang demonyo naka tabi sayo 't ika'y sinasakal Nilason kaba nang sistema pinatay nang kemikal O kapalaran mo nirekta sa kamay ng kriminal Pwedeng kasama mo ay pari Huli mo nang kumpisal o nasa bahay mag-isa Dahil walang pang ospital Mundong bumaliktad ito'y paningin ng paniki Tahimik dati sa buhay ngayon gulo ng pag iisip Sulit ba kada minuto bawat diskarte na pang-ngisi O laman nang utak mo puro lang hinayang at pagsisi Sa sarili hanggang sa ikaw ay matuluyan maging anino Sa ilaw sa dulo ng bali susungan