Mula sa distansya tanaw ko at rinig Nginigan ng mga tuhod at kabugan ng dibdib Nilang lumagpas sa linya, umasa sa ginto Hangad mo na mauna sa'kin, di ka mabibigo Tanging inani - kagalakan; naipon - pighati Nagdiwang sa nakitang tamang minali Kaya't kung puwede pakisulit na ang bawat sandali? Sapagkat barya lang ang buhay at masyadong madali Pumaslang, kumitil, sumira ng bukas Mahabang lakbay sa pinaikling oras Sugapa, sumingil, napiling birador Binayaran kong higit para isoli ang pabor Hunos-dili, kalma 'Di ako mapagpatol Mga lobo'y umaalulong at hindi tumatahol Pag'tapos ng trabaho, tahimik na piging Hindi na maiistorbo tulog mong mahimbing Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Isang bala, boom! Isang bala – tabla! Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Isang bala, boom! Isang bala – tabla! Piring mga mata habang naka-kadena Kasa sa'king kargadang nakatutok sa tenga Nagbibilang ng pera naging katumbas mo Tigil na pagdarasal, magkikita na kayo! "Ba't nga ba ganito?" Tanong sa aking kamalayan "Na ang aking kabuhayan ay maging kamatayan?" Nagkabaliktaran ng sinundan na pamantayan Sa takbo ng kapalaran 'tong landas na linakaran Kaya paumanhin kung sa ilog ka lulutang Marami nang katawang tinusok na parang mangkukulam Na kailangan kong gawin sa dami ng mga pagkukulang Pambayad sa kuryente at pambili ng ulam Pambawas ko sa utang at pampalit ng lumang Damit ng mga bata – responsableng magulang Tinapon ko'ng asin, napagod na akong magdildil 'Di ka na magtatagal tila relasyong may nagtaksil! Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Isang bala, boom! Isang bala – tabla! Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Isang bala, boom! Isang bala – tabla! Buhay na kinontrata ko'ng katumbas lamang ng bala Pagkakamali burado, tsong, basta bayad ng tama Kamatayan ang makakamit sa pagkasa sa kapwa Tiyak butas sa kada kalabit na parang mag-asawa Boom! Sapul! Rekta byahe palangit Imposibleng magkabuhol-buhol – maikli na tali Huling bilin ng biktima pilit iniwan sakin Puro dugo sa mukha – dinatnan habang kinakain 'Tong Gatilyo ni BLKD – Para Sa'n Ang Tapang Mo? Para paspasang makita kamatayan 'tol Dehin personal sa trabaho Ika'y pag-aalayan na para ka ng santo, oo! Mura lang ang buhay ng iyong mga kaaway kukupal ka? Gano'n na nga ang umasta t'yak lamay Ang resulta ng sagupa, hagulgulan kada katay hay nako! Wala akong awa, sahod lamang aking pakay Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Isang bala, boom! Isang bala – tabla! Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Ang buhay ngayon – katumbas lang ng barya Isang bala, boom! Isang bala – tabla!