I. Sayadd Kung inasinta ng kidlat ang mga huwad at sinungaling Muntik na kong mahagip, itoy nasalo ko noong humangin At initsa pabalik, ang mga ulap kumulog Biglang bumuhos ang ulan at nagwakas ang tagtuyo Lapnos ang balat nilang walang nasilungan At sigaw ng lahat ay "hindi makatarungan" Hagulgol ng sangkatauhan habang pinagsusunog Para sa akin ito'y nakakahumaling na tunog Hindi nauubusan ng pasensya, bakit? Pano mauubos ang hindi ko nagagamit Presensya ko pag nadama mo dito at ngayon Nakatakda ng maantala lakbay mo sa panahon At saan mang lupain ako mapatungtong Lahat ng anyo ng buhay himihinto sa pag usbong Kung ang tanong "anong sanhi nitong pamemerwisyo?" Ginawa nyang huminga ng wala akong permiso *Chorus* Bawat isa'y lalapastanganin Buhay nyo ay sisirain Bawat papel manipulado Buhay naka imbentaryo Bawat taas nagbabawas Buhay ay maglalagas Kaya kapag nagsipag pitikan ay hinto lahat, walang kibo Hiling nawa'y mga kamay walang madakmang bungo II. Batas Ako'y edukasong lasalista, primitibo mang sadista Chinichibog ni misis mo sa twing umaalis ka Bolero sa dalagita hanggang buhay nila masira Putok sa loob kasi importante ang labatiba Bawat hiyas sa Maynila, halika basta may mani ka Hawakan mo ang bayag ko parang bastos na masahista Kahit na mataba ang hita at ika'y mukang masiba Pasok ang NOTA ko, ako ay batikang BAHISTA Putaragis ako ang tumutugmang Batista Ang istilo ko sa liriko letrang pang makenilya Wag malilito impossible nyo kong kapamilya Kayo'y supot para maging akin ang semilya Gamit natural na diwa sandata'y matalas na dila Magaspang dati ngayo'y swabe ginamitan ng masilya At sa aking mga rima lumitaw kayo'y sagad sa hina Bigla kayong nag-iba ng linya parang tumabang artista *Chorus* Bawat isa'y lalapastanganin Buhay nyo ay sisirain Bawat papel manipulado Buhay naka imbentaryo Bawat taas nagbabawas Buhay ay maglalagas Kaya kapag nagsipag pikikan ay hinto lahat, walang kibo Hiling nawa'y mga kamay walang madakmang bungo III. Goriong Talas Balasubas na nabubuhay para sa sarili lamang Inangkin ko mundo sa sobrang ganid ko at suwapang Magnanakaw ng respesto, dangal pati pag galang Tas lahat tinapon ko dahil wala ring pakinabang Walang sinasanto di ko kailangan mag dasal Sobrang bigat ng sala ko di na gagana kumpisal Maka sariling kupal, kalahi ng may kapal Nagkatawang TAO ako para magpaka ANIMAL Kasi nga nakakasawa at nakakawalang gana Na alalahanin, problemahin ang problema ng iba Layunin ko sa buhay ko'y ubusin lahat ng tanga At manapak ng di kilala para lamang maiba Lunurin o lasunin, ipasagasa ka sa tren Kahit mamatay ka hinayupak buhay ko'y tuloy pa rin Isasak nyo sa baga niyo yang kabutihan niyo Sarili kong landas ang nilalakaran ko