Gutom walang makain Kulob at walang hangin Madilim mong kapalaran Pano papaliliwanagin Wala nang susi ang kandado na utak mo na sarado At pano aabante sa buhay mong atrasado Tila kalyeng puro bubog di pwede paandaran Biyaheng langit walang preno na di mo masabayan May ugaling pang berdugo At kamandag ng alakdan Ng silya elektrika ng bilango ng nakaraan Anong mararating sa ganitong pamamalakad Dulo ng walang hanggan sa mundong Walang patawad Yang pangarap mo sa buhay Sa sarili iginagawad ay hindi Abot kamay kahit mag mariang palad Nasa hulog ang lagay sitwasyon di magbabago Ika'y tutang naligaw sa pugad ng mga lobo Solidong pag tugma na sayo'y magbabaon Habang ako nasa loob ng isip mong de kahon Utak ko ay nasa titi laging sa sarap lang Pinagbibigyan ang hilig ang akin nang ayawan Pakiramdam ko nagsilibi na haligi sa daan Akong nakakulong alipin sa sariling katawan Mula't sa mali na paraan mga mata ay tinakpan At sa utak tinamnan atraso ng iba bilang yan Bawat tawag ng laman ito'y sagad na ninam-nam Ako ang nagbabayad sa unang sala ni Adan Magpaposas sa sistema hindi ako pumayag Pakapalan ng balat ako'y naging taong buhaya Daigdig ko'y bartolina Sa loob lagi natutunganga Kandado sa sarili, isip lalong lumayas Sa konsepto ng suntukan Gumamit ng paa pag tali sakin ay kulang Kalayaan ng pag alsa Eto reyalidad ay hudas Ako'y sa kahon nakawala Mas nakitang katauhan Pinikit mga mata Sa silid na kulob bakit kilos ay pigil Ako'y naging pang lima dating apat na pader Kapirasong hangin liwanag Sa siwang dumadaloy Hadlang sa matadero nag diwang mga baboy Isa yung nakulong at maraming nakalaya Pero ayon sa bulong ito ay pandaraya At di ito tungkol sa kalayaan na mithiin Ito'y kwento ng taga katay Na tumakas sa tungkulin Kaya mag taas noo Di niyo para gawin Pagka't noo'y tinataas Para biyakin sa halip ay tiyakin niyong Na di ko maisip na kumawala sa likha kong panaginip Kalaban ko'y inip kalaban niyo ako At alam nating lahat kung saan to hahantong Hinatak pabalik para sa ano Binigay ko yung sagot Bago mo pa itanong Pag mulat ng mata madilim Wala akong makita kahit na katiting Biglang napaisip, biglang napailing Mukhang sa bartolina nanaman ako ay nagising Tangina, bukas na paglaya ko Malas ko, mukhang napaaway ako sa mga kalaban ko Aking sentensya, baka mapahaba to Baka naman si hepe ay mapakiusapan ko Kaya kalampag, sa bakal na pinto Kalampag nang kalampag at hindi humihinto Hanggang napagod, mawawalan na sana ng pag-asa Biglang may nagbukas, pero hindi gwardya Isang halimaw, ang sungay mataas. At bakit nasusunog ang paligid sa labas At sa wakas napagtanto, patay na pala ako Isang kaluluwang sinusundo ni Satanas Abangan muna sub poenang lalapat sa balat Sapat na disiplina para lang sa salat Hindi naaangkop, sa mga nakaka-angat Sa lipunan kaya't mag ipon ka na agad Di bali nang tamad basta di pagod Yan ang paniniwala ng hindi nababagot Sa sitwasyon ng dehadong Laging inaapi, daang taon ka na sa kahon Di parin nanga-ngati Diyan ka lang ba sa ilalim mangi-nginain Pagpapala ng iba libangan mong bilangin Sin nipis ng kartolina ang pasensya mo Nang hui na ang talbog ng delihensya mo Mababawasan ang sintensya Kaso pupuwitan kaluluwa'y dudumihan Nilang mga tulisan Mismong si warden Di ka na matutulungan Kasi di ka nag abot ng pang pulutan Pii't ang poo't Paa't kamay Na may suot na posas Kandado ay oras Lukot na ang mga buto sa sikip Ng kahon nagkukulong Sa bastos na bibig Tunay kong galit ay pang gilit Kaya't gulat mga pilit Mag tulog mula't Mga salot nasa sulat Walang masalat May pera sa basura kaya nag kakalat Ako ay rosas na pumipiglas Sa dagan ng konkreto Bumibigwas ng bawas ng pursyento Namimilitang magsustento Ng progreso kada texto Pantas ng pintas Madalas punto's Ay bawas pagka't sa punto ang lakas Dakilang bihag ng pagpaparaya Ako'y nagkukulong upang makapagpalaya