(Yow!) Sobrang hiwaga ko, lahat kayo praning saking husay Parang si lazaro, ganyan ngayon aking galing Bawat talata ko, tamang bato, itoy anting-anting Lakas ng banat ko, mga tao bilang naging matsing, ano? Isinabuhay ko 'tong kultara at ako naging kampiyon Pauso niyo ay may maluluma sa pasabog kong kanyon Ibabalik ko ang istilo na parang bawal ang baston Kung alam niyo lang e yung gayuma Puwes alamin niyo 'to ngayon Umaaksyon, akong maton para tapon mga latak Bawat tira diretso panga sobra sa batak (Yeah!) Ako ang batas tsong, ang panginoon ang may sapak Sobrang taas ko literal na 'ko kung mang apak Lahat sibak sa akin parang kayo may matres Sibak sa pagbitaw sa pareho tagalog at ingles Laging kumakasa sa duwelo, doon ako mabilis Sapol na bala madakdak na parang Bong Alvarez Ang aking pagkatao'y nababalot ng hiwaga Goriong Talas: (Yow!) Mga linyang pantugma mga guhit sa aking palad Kinakausap ko'y pumapanaw na lamang ka'gad Taas ng ere ko, sa ulap kaya kong lumakad Tila libo ang kamay yung tipong sobra 'kong mapalad Pinagpala di minamalas hawak ko ang kapalaran ko Kahit bolang kristal di mahulaan ang tadhana ko Sukatin mo ang isip ko ng malaman mong kalawakan ko Na di mababay na parang simbolong pangalan ko Dinurog kong nagmamarunong Lirikong kamandag na malaupong Nalagay sa kabaong ang mga gunggong Sa diyablo ako ang bumulong Sintibay ng narra't kamagong, katumbas ko'y isang pulutong Kaya di uubra ang pahangin niyo sa'kin butas na gulong Doble ang bagsik, dulot ng banat kong siksik Dobleng tuwa ng nanay mo, parang brinotsa ng tiktik Dahil sa'kin napabilang siya sa mga bituin at mga tala Siya'y naging konstelasyon ng pasukin kong kanyang bukana Ang aking pagkatao'y nababalot ng hiwaga Isaisip mo din, posible na pagkalagyan Wag mo naisin lutasin ang kababalaghan Mga sumubok, napatago sa yungib sa malayo Sa korte di mausig, tila tubig na malabo Aking anyo hinango sa kung saan kayo suklam Sa halip na magpaka pantas ay mas nagpaka hunghang At nagpakalutang, walang sayad sa sahig Wag kang magtaka kung napaka kalmado sa yanig Madalas daw ay walang kibo, kamay ko ay walang dugo Ganun pa man sa tunggalian sila'y bigo pa rin Kung katotohanan ay nababaliko, Sa tuwid na daanan ay may napapaliko pa Ang nais mong makita ay tapos ko ng gawin Kaya tangkang sumalamin sa may turnilyong maluwag Ay tila pakitang tao sa sinilang na bulag May maliwanag na rason sa likod ng kaganapang madilim Di mo para madama ang hiwa Kung ang pinanghiwa matalim masyado (Hahaha) At darating ang panahon ay magkai-intindihan din tayo At yun ay kung meron pa siyang madaratnan Illustrado