Goriong Talas: Nayanig ang mundo sa paglindol, pagkidlat at pagkulog Mula sa dilim biglang lumitaw ang apat na ministro ng tunog Dala ang tambol, mga palakol nag-aabang maihampas May kasamang sigaw at batingaw, na may tugmaang katumbas Mataas na uring nilalang, kayo'y mga tipak lang Dugo namin ang siyang bumuhay sa lupang sobrang tigang Bulilyaso mga payaso, pati mga duplikado Ito na ang tamang panahon, para sa mga illustrado Huling hithit ng yosi, humanda sa pagpitik Parang leeg ko baliko din, lahat ay tagilid Kosensiya ko'y panay sigaw, dati pa ako nabingi Makata nga pero mas litaw na salbahe mag-isip Matinding kinangina sa paglikha ay makina Tigasin at pinagisa Pamilya Dimagiba Lahat sibak sa pagbitaw, sabog kaagad walang mitsa Illustrado kilalanin niyo, mga tenga ay amin na Tunog na pansamantala sa pista ng mga bulate Wala nang para sa amin pampubliko na biyahe Nagsimulang pulo, matatapos na said Nagumpisang buo, matatapos na patid Malinaw bang wala ka ditong mapupulot sa halip Ikaw ang pupulutin sa daan na pabalik. Iniluwal ka na tulog, kung iyong alalahanin Nagising ka sa taong dalawang libo't-labing anim Nagising ka sa taong dalawang libo't-labing anim