Alam namin kung sa'n ka galing at kung sa'n ka papunta (Ha) Alam namin kung anong kaya mo at kung pano ka nahulma Alam namin kung sinu-sino'ng aabalahin mong taga-salo Alam namin 'pag nawala ka, walang maghahanap sa'yo Natural lang na kampanteng, ignorante na gigil Nangungutang patago at lantaran na singil Pero 'di ka nalagpasan, 'di ka naabsuwelto Sadyang kulang ka sa ganap na pagkakuntento Binulag ka sa pekeng ginhawang pinaranas Minura kang imahe bilang senyas sa paglagas Tinulak na makakuha ng kabakas Na may makaramdam at magplano na tumakas Pa'no sarap pang bulaga ang mag lungga ka sa liblib O saan mang sulok ng kung anong daigdig Na markado, kontrolado, kahit pa'no pa tumindig Meron kang ekis sa noo At may krus ka sa dibdib Kinukumbinsi manlaban nang mapadamang buo Na mula pa sa simula nawalang lahat sa'yo Sa muling pagliwanag, may mabibilad sa dulo Pag-angat ng palakol, ay may lilipad na ulo Lahat may maskara o may nakabalot Pero 'pag mag-isa siguradong astang hayop May duwag sumubok, may nahihiyang matalo Pero meron din sa panghuhusga mas natatakot Tayong basura sa mundo tanging sagabal Madumi ang utak kahit maayos ang asal Bawat kamay imbis tumulong nakatakal Madami pa ding tanga kahit nakapag-aral 'Di nyo yan alam, alamin aking tugon Tama ang utak nyo may marinig na bulong Pagod sa depresyon, sumunod sa relihiyon Kasi sa dami ng donasyon, mas marami pa ring gutom (Haha) Loko lang, mga pare, loko lang Ilang milyon ang binulsa tawag dun ay lokohan Sa labas kinupit 'to, di tayo nilooban Kasi serbisyo publiko, magandang negosyo yan Ito ay totoo 'man pero walang aamin Merong nasa langit 'di dahil sa panalangin Sobrang kapal ng mukha, grabeng walanghiya, men Kasi alam nila mismo na ito ay alam namin O alam ko, kung pa'no ka magmasid At ang plano mo pagtapak para lang makatawid Nagpakain sa higante ... Papunta ka pa lang, may milyon na kong nahatid Mabuting kaibigan, lihim na kaaway Pagkatay mo na pakay, ramdam ko sa kada tagay Hepe sa kadete, hoy, di tayo magkahanay ... sa'yo'y umubos, kahoy do'n sa anay Tingin pailalim, pusong hudas magbadya Talagang dapa sa malalim na badya Gilagid mong itim baon mo sa pagtanda Papano kang dilat ngunit 'di magiging banta Upang makaahon ka sandugo ay nilason Tinuri mong humabon, tiwala ay tinapon Palihim humamon, lamon, baon sa alon Kaya ngayon kailangan nang lumimot ng kahapon Tupok na ang liwanag sa alab mong mahina Patay na ang apoy ng sinauli kong kandila Di ka na lalakas lunukin man ang bato Nais ko lang malaman mong lahat ay alam ko