Ilan na bang Pilipino't Pilipina Ang may damdaming parang pinipino't pipina Ito ay dahil sa pagkalayo ng milya milya Sa kanilang mga iniingatan na pamilya Buhay sa Pinas ito na ang aming nakasanayan Kaya masakit sa amin iwan ang sariling bayan Oo, mahirap sa Pinas pero masaya Sa ibang bansa may pera ngunit nagiisa ka Tuwig pasko, kaarawan, bagon taon nakaupo lang Tinatanong sa sarili kung bakit parang may kulang Ako'y nalulungkot nadadama ba't ganito Oo nga pala, pamilya ko wala sa tabi ko Kaya kung minsan aming luha ay pumapatak patak Dahil kami'y kabilang sa pamilya na watak watak At kung sa Pinas naging sapat ang sahod ng pagod Eh di sana ang Pinoy di na sila nag-aabroad Tama na ang pagiyak ang mga luha nyo'y punasan Halika na tara sabay sabay tayong lumaban Alam ko na hirap ka na di ka nagiisa Kung ngayon ka pa susuko eh paano na sila? Ako'y saludo sa inyo dapay kayo ang ginagaya Kahit hirap ka na lahat ay pilit kinakaya Ang mensahe kong ito sa puso nyo ay tatagos Lahat ng paghihirap nyo ay meron din pagtatapos Kailangan mong gumising ng maaga at bumangon At kumayod ng kumayod ng kumayod ng maghapon Kailangan mong kumilos dito bawal ang tamad Ang tanging iisipin mo ang bawat oras ay bayad Kahit na may sakit ka pa ay pipilitin gumalaw Dahil mawawala at sayang kikitain mo sa araw Kailangan magtiis kailangan mong pagtyagaan Kailangan buhay ng pamilya mo itong mapagaan Pero kung minsan ay di nyo alam sila'y nagtatampo Sila'y naalala lang kapag may kailangan kayo Tinitiis na nga nila yung hindi kayo makita Binibigay nyo pa puro masasamang balita Sana minsan ay makadama naman kayo ng awa Kung walang mapadala sana kayo'y makaunawa Dahil tao din sila at meron din nababayaran Pera pagkakasyahin nang di kayo mapabayaan Sa ibang bansa sila ay nakipagsapalaran Upang anak ay maipasok lamang sa paaralan Para to sa kinabukasan mo't ikaw ay makatapos Kaya wag sabihinh di kayo pinalaking maayos At laging tanong "Kailan ka ba magpapadala?" Ni hindi na natanong sa kanila "Kamusta ka?" Sila'y nangungulia at damang dama nila pasakit Kaya sana suklian naman ng konting malasakit Tama na ang pagiyak ang mga luha nyo'y punasan Halika na tara sabay sabay tayong lumaban Alam ko na hirap ka na di ka nagiisa Kung ngayon ka pa susuko eh paano na sila? Ako'y saludo sa inyo dapay kayo ang ginagaya Kahit hirap ka na lahat ay pilit kinakaya Ang mensahe kong ito sa puso nyo ay tatagos Lahat ng paghihirap nyo ay meron din pagtatapos Pag ika'y galing abroad kala nila mayaman ka Pero alam mo ba ang tanging totoo matapang ka Oo matapang ka matapang ka lagi mong tandaan Matapang ka, matapang ka kahit laging nakadagan Sayo'y puro problema at pasan pasan ay mabigat Pero ika'y tuloy tuloy pa rin kahit ika'y hirap Ika'y nahihirapan na problema patong patong pa Pero ilan na bang pagsubok ang iyong napatumba Kaya susuko ka pa ba sayong mga nasimulan Ika'y nasa kalagitnaan na kaya wag hintuan Sayong pangarap ay papalapit ka na sa unahan At balang araw darating ka rin sa nais punatahan Kahit hindi pa sa ngayon ang yong pagasa wag itapon At isipin mas malapit ka ngayong kesa kahapon Ang lungkot mo sa ngayon may kapalit itong ligaya At lahat ng hirap mo may kapalit itong ginhawa Tama na ang pagiyak ang mga luha nyo'y punasan Halika na tara sabay sabay tayong lumaban Alam ko na hirap ka na di ka nagiisa Kung ngayon ka pa susuko eh paano na sila? Ako'y saludo sa inyo dapay kayo ang ginagaya Kahit hirap ka na lahat ay pilit kinakaya Ang mensahe kong ito sa puso nyo ay tatagos Lahat ng paghihirap nyo ay meron din pagtatapos Anonclara123